18

97 3 0
                                    

Nagising ako na nandito na sa isang maputing silid at sobrang liwanag at silaw sa mata ang ilaw. Pinilit kong idilat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni mama.

"Anak! Gising ka na!" pinilit ko ang aking katawan na makaupo at naramdaman ko agad ang yakap ni mama.

"I'm so sorry hindi dapat nangyayari ito," sabi ni mayor na nasa tabi rin pala ni mama. Nandito na sila. Anong nangyari sa'kin? sobrang sakit ng ulo ko parang pinipiga sa sobrang sakit.

"Wala bang ibang alam na gawin ang kapatid mo Raymond? akala ko ba inaasikaso at binabantayan mo siya, akala ko ba ay titino na. Ano ito? Kailangan pa naming bumalik agad at kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao!" sigaw ni Mayor kay kuya na ngayon ko lang nakita na nasa harapan nila na nakayuko.

"Anong nararamdaman mo?" tanong ni mama. Pinipilit ko pang alalahanin ang nangyari sakin kagabi at bakit mahapdi rin ang mga paa ko.

"Patawarin mo si mama anak," sabi ni mama. at hinalikan ako sa noo.

"Kapag ako ang unang makahanap sa kapatid mo alam mo na ang mangyayari Raymond!" sigaw ni Mayor.

"Opo dad," sagot ni Kuya.  Biglang lumingon samin si Mayor.

"Im so sorry Rea, Im so sorry. Dapat matagal ko ng itinakwil nag batang 'yon, hindi ko na dapat siya ipinakilala sainyo."

Naalala ko bigla si Ridge. Pero wala talagang pumapasok sa isipan ko.

"Aayusin ko ito Ross, I'll make sure of it." tapos hinawakan niya ang balikat ni mama. Pero hindi siya pinansin ni mama.

"Patawarin niyo ako."

"May gusto ka ba ngayon anak, gustong kainin?" tanong ni mama at magsasalita palang ako para magtanong nang may doctor na pumasok.

"Your daughter has taken or inhaled a small amount of drugs na hindi kinaya ng katawan niya," sabi ng doctor at natulala ako sandali. Hindi pwede mangyari 'to! In coming 4th student na ako tapos ganito?

"Ano!" sigaw ni mama. "Ano bang nangyari, ano bang nangyayari!"

Pumikit ako ng mariin at naalala ko na lahat. Ang pagdala at pagpilit sa'kin ni Ridge. Nahilo ako at hindi ko kinaya kaya nawalan na ako ng malay. Lahat ng mga sinabi niya ay dahan-dahang pumapasok sa isipan ko. Nakita ko namang si Kuya na ang nakipagusap sa doctor at pinipilit naman ni daddy na pakalmahin si mama.

Alam ko na ngayon kung bakit kumikirot ang paa ko. Marami akong naapakan kagabi na hindi ko alam kung ano dahil wala akong suot na sapatos ng dalhin niya ako.

Inasikaso ako ni mama at binantayan ako hanggang sa pwede na akong lumabas ng hospital. Agad kaming dumiretcho ng bahay at lahat naman ay sinalubong agad kami lalo na't nandito na si dad.

"Salamat ma," sabi ko nang makahiga ako ulit sa higaan ko. Inalalayan ako nila ni Sara.

"Ma? may mga hindi ka. ba sinasabi sa'kin?" tanong ko at nakita kong natigilan siya.

"Pakiramdam ko kasi may mali po dito, hindi ko lang po masabi kung ano. Isang araw maayos naman lahat tapos bigla-bigla nalang nagkakagulo, ma."

"Anak,"

"Kumusta po kayo ni Mayor, hindi ka ba sinasaktan ma?" tanong ko.

"Hindi anak, magpahinga ka lang muna," sagot ni mama.

"Hindi ma. Nalilito po ako. Hindi ko alam pero masama. na po ngayon ang nararamdaman ko sa pamilyang ito. Wala po ba kayo?"

Mas lalo akong kinakabahan sa mga reaksyon ni mama. Napasinghap ako sa gulat nang  umiyak si mama at tinakpan ang kanyang bibig.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon