Nakarating kami sa tree house at agad niyang inayos sa loob. Inilagay niya lahat ng paintings sa gilid. Ngayon ko lang napansin na may higaan pala rito. Siguro dahil natuon ang pansin ko sa mukha at katawan ko.
"I'll just transfer this," sabi niya tapos inalagay niya lahat ng paints at brushes ng maayos sa isang kahon na malaki. Sumilip ako sa bintana at malakas pa rin ang ulan.
"Ayos ka lang ba dito?" tanong niya nang matapos siya. Tumango ako bago magsalita.
"Ikaw ayos lang ba dito?"
"Hmm ikaw?"
"Bakit iiwan mo ba ako dito?"
Nagkatitigan muna kami sandali bago kami umiwas ng tingin sa isa't isa.
"Ngayon lang naman siguro o hanggang bukas. Kailangan pa rin ako ni mama," sabi ko tapos itinuon ang pansin sa labas. Ang lalakas ng patak ng ulan. Parang hindi matatapos. Naalala ko naman ang mga estudyante ko baka maghanap sila sakin o di kaya pagalitan ako ng advicer.
"Low bat na ako," sabi ko sa sarili ko nang i-check ko ang phone ko. Inalapag ko ang aking bag sa higaan.
"Here." Inabutan niya ako bigla ng isang t-shirt at isang short. "Nabasa tayo kanina sa ulan."
Tinanggap ko 'yon at bigla siyang naghubad kaya umiwas ako ng tingin.
"May isang maliit na kwarto diyan, you can change there." Rinig kong sabi niya at napansin ko naman agad ang isang pinto. Pumasok ako doon at isang shelves lang makikita ko tapos isang closet. Binuksan ko ang closet at nakitang may mga damit. Siguro dahil minsan dito siya tumatambay.
Nagpalit na ako agad. Kanina kasi wala kaming payong, malakas ang ulan kaya imposibleng hindi kami mabasa pagkalabas sa sasakyan.
"Salamat," sabi ko nang lumabas ako. Tumango lang siya. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama.
"Ahh... hindi ka ba hahanapin ni dad?" tanong ko.
"Hahanapin."
"Hindi ba nasa delikado ang buhay mo ngayon?"
"Delikado, kasama ka."
Natigilan naman ako sandali at lumunok. Parang may nabara sa lalamunan ko. Mapapahamak ba ako?
"Anong balak mo gawin ngayon? Nakakatakot ba ang mga Alvarez?" dapat na rin ba akong matakot. sa Alvarez City?
"Yeah. But don't mind them, spoiled brat lang talaga ang anak nila."
"Anong don't mind them, paanong don't mind them kung lahat sila doon may mga baril."
Umupo ako sa tabi niya.
"I'm here don't worry. You're my responsibility right now," sagot niya. "Kahit makipaghiwalay ka pa ngayon, you're still going to be my top priority. Maninindigan naman ako."
"Gaano na ba kadelikado ang buhay ko?" tanong ko na hindi pinansin ang mga sinabi niya. Alam niya talaga minsan mga sasabihin.
"Stop thinking about it, for now rest."
"Parang ang hirap naman yatang matulog na ganito. Hindi ko kaya maging positive thinker ngayon."
Yumakap ako sa braso niya tapos sumandal sa kanyang balikat.
"I know dad won't let anything happen to you and tita."
Sana nga, dahil sa ngayon. Hindi ko talaga sila kilala. Sa mga sinabi ni Ridge ay natatakot na ako kay Mayor.
"Let's sleep." tapos humiga siya bigla at pumikit.
"I'm tired, i didn't get enough sleep and you too."
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.