Late na rin kaming nakabalik sa tent namin. Hindi ko alam kung bakit pero mas naging masaya ang adventure ko ngayon, kahit siya ang kasama ko. Marami kaming naging kulitan bago kami makabalik kaya nga siguro hindi kami nakabalik agad. Marami na rin akong nakwento sa kanya siguro nga konti nalang ay makikilala na niya ako.
"You drink right?" tanong niya sa'kin sabay abot ng can ng beer. Ngumiti ako tapos tinanggap ang beer.
"Oo naman!" sigaw ko, pero natigilan ako nang maalala ko ang unang gabi ng paghalik niya sa'kin. Nasa bar kami non, hindi ko alam kung naalala niya pa. Binuksan ko agad at uminom. Nag-ihaw ulit siya ng karne tapos may mga gulay gulay siyang hinanda.
"Ang ganda pala talaga dito 'no?" sabi ko nang masilayan ko ang araw na palubog na. Sobrang ganda ng langit. Ang kulay nito parang makakahinga ka ng mas maluwag.
"Salamat ah, dinala mo ako dito," ani ko habang nakatitig lang sa araw.
"Thank you for joining me," sabi niya.
"Ayos ka naman pala talaga na kasama, sana ganyan ka palagi." natatawa kong sabi. Napatingin naman ako sa aking cellphone. Mahina ang signal, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa mga kaklase ko, sila Goerge tapos si mama kung hinahanap ba niya ako.
"Malamig na," sabi ko tapos tumayo at ipinatong ko lang muna ang beer sa maliit na lamesa. Pumasok ako sa tent at kinuha ko lang ang jacket ko. Aksidente ko namang natamaan ang bag na pinasok dito ni Ridge. Nataranta naman ako nang may mga nakita kong mga gamot, capsule tapos mga tablets. Gusto ko pa sana tignan kung ano 'yon pero baka pumasok siya bigla dito, sigurado akong mga gamot niya ito simula pa nong una. Ibinalik ko nalang agad lahat ng maayos sa bag niya tapos lumabas na ako.
Habang nag-iihaw siya ay nakatulala lang ako sa kanya. Parang may mahiwaga lang sa taong 'to kahit napakadilim ng nakaraan niya. Hindi ko talaga alam kung ano talaga ang nararamdaman niya, lalo na sa mga kwento niya. Hindi ko rin alam kung totoo. Binalaan ako ni Mayor na wag lang ako maniwala sa kanya sa kahit anong sabihin niya.
"Umasa naman kami na magbabago siya, hindi ko talaga alam kung ano ang dinanas niyang hirap. Hindi naman kasi siya nagsasabi, alam kong pagod na siyang labas pasok sa hospital na 'yon pero kailangan. Nitong nakaraang taon pinag-aral siya ulit ng dad ko, pinag-aral sa magandang University kahit buong buhay niya sanay siya na nasa bahay lang. Siguro indenial si dad, kaya mas lalong hindi namin maintindihan si Ridge."
Naalala ko ang gabing nag-usap kami ni Kuya. Hindi niya sinabi lahat pero nalaman kong may pinagdadaanang masakit si Ridge. Gusto ko pang magtanong pero natatakot rin naman akong makinig. Hindi ko kasi alam pero masiyado siyang mabigat para dalhin ko.
"What are you thingking again?" Napakurap kurap ako at nagising kakaisip nang marinig ko ang boses niya. Tumawa lang ako ng peke tapos umiling.
"Wala, nagagandahan lang ako sa araw," sagot ko.
"Pero nakatitig ka sa lamesa," sabi niya at kinagat ko nalang ang dila ko tapos umiwas ng tingin.
"Hindi maganda talaga ang sunset kaya napapatulala talaga ako."
Minsan nga naiisip ko kung maganda ba itong nangyayari ngayon sa'min ni mama. Syempre may bahay na maganda, may mga katulong tapos may pera. Hindi ko na nakikita si mama na puro pasa. Mabait naman si daddy at si Kuya, hindi ko nga lang makasabayan ang mga pinsan nila. Pero parang gumulo ang buhay ko, parang nakasakay ako sa roller coaster.
"Your thinking of something or someone maybe," sabi niya.
"Sino naman iisipin ko at ano naman ang iisipin ko?" tanong ko tapos uminom ulit at kumuha ng karne na satingin ko ay luto na.

BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Storie d'amore"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.