41

85 2 0
                                    

Pumikit ako ng mariin bago ko isigaw ang pangalan niya, lintik talagang pag-iisip na 'to!

"Ridge!"

Hindi siya lumingon sakin pero tumigil siya sa paglalakad. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya patalikod.

"Gusto pa rin kitang makilala..." I whispered. Sakto lang na para marinig niya.

I stepped back and waited for him to face me.  Pagkaharap niya ay agad niya akong niyakap. "Thank you." He whispered to me and I hugged back.

"Gusto kong makita si mama," sabi ko nang umiwas siya sa yakap. Tumango naman siya agad at bumalik kami sa sasakyan tapos may mga tinawagan siya.

"She's in the hospital," sabi niya tapos tumango ako.

Hinawakan niya ang aking kamay habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Binigyan ko siya ng isang ngiti at humigpit ang kanyang pagkahawak sa kamay ko..

Maraming tumatakbo ngayon sa isipan ko. Kung tama ba itong ginagawa ko o dapat na ba kaming umalis ni mama sa pamilya nila? Hindi ko rin alam kung ang mga susunod kong gagawin ay tama ba o makakabuti.

"Mama!" agad kong niyakap si mama nang makarating kami sa hospital at sa mismong kwarto niya.

"Okay lang ako anak, okay lang.." Niyakap ako pabalik ni mama. Napansin ko ring maraming nakabantay ngayon kay mama. Sa loob at sa labas. Malalaking tao at nakasuot ng black suit. "Wag ka ng umiyak, okay lang ako..."

Lumakas ang hagulhol ko nang sunod-sunod na marinig ko ang boses ni mama. Lahat kasi paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko, ang mga baril at mga sigawan ng mga tao.

"Tahan na anak..."

Umupo ako ng maayos sa gilid ng higaan ni mama. Nakita kong tumingin siya kay Ridge na nasa likuran.

"Nasaan po sila Mayor?" tanong ko.

"May... inasikaso."

"Ma may alam ka ba dito?"

Nakita ko ang pagyuko ni mama sandali. Nilingon ko si Ridge at pagkatama ng aming mga mata ay alam na niyang gusto ko lang muna na lumabas siya.

"Ma... mababaliw na ako!" sigaw ko at tumayo ako ng maayos.

"Anak huminahon ka..."

"Paano ma? anong alam niyo?"

"Mga illegal na gawain nila, mga illegal na binebenta nila hanggang don lang ang alam ko!"

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko dahil baka ma-stress ulit si mama.

"Wala akong alam sa mga baril at sa nangyari kanina!" sigaw ni mama.

"Eh di hiwalayan niyo na siya ma!" sigaw ko pabalik. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Hi--hindi pwede! Hindi pwede!"

"Mama bakit!"

"Anak mahirap intindihin pero hindi pwede!"

Ginulo ko ang aking buhok na kanina ay inayos namin ito ni Sara. Hindi ko alam kung saan ako uuwi ngayon.

"Mama nakita niyo naman po diba? tignan niyo, para tayong may ginawang kasalanan." inis kong bulong tapos tumingin sa mga nakabantay kay mama.

"Hindi pwede anak, magtiwala ka nalang sakin." tapos inabot niya ang aking kamay.

"Mama naman bakit? mahal niyo po ba talaga si Mayor? Ma ayoko ng bumalik sa dati..." natatakot ako na baka nabulag na naman si mama ng ibang tao. Umiling siya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon