23

81 3 0
                                    

Hindi tumitigil si Ridge kakatawa habang kumakain ako. Nag-ihaw siya ng karne ngayon. Gutom na gutom na kasi ako ngayon lang ako nagutom ng ganito. May lamp rin naman siya kaya 'yon rin ang ginamit namin dito sa labas. Tapos may maliit siyang upuan at lamesa, hindi halata na handang-handa ang kaibigan niya sa mga ganitong camping. 

Nagsuot na rin ako ng jacket dahil sa sobrang lamig, pero nabawasan naman ng konti dahil nagtimpla rin siya ng mainit na chocolate. Hindi ko alam kung bakit mas naganahan ako sa camping ngayon kesa kasama ko mga classmates ko, dahil ba si Ridge kasama ko? Nakakairita naman kasi si Goerge.

"Bakit nakakunot 'yang noo mo?" Natatawa niyang tanong sa'kin.

"May naisip lang kasi akong nakakainis bigla," sagot ko. 

"Human?" tanong niya.

"Hayop, unggoy." Nakangisi kong sagot.

"Funny, really?" patanong niyang sagot sa'kin. Ngumiti lang ako tapos kumuha ng water bottle sa cooler pero ibinalik ko lang rin dahil naalala kong may hot choco pala ako tapos malamig ngayon. Sana nga matagal pang matunaw ang mga ice na ito medyo malayo kami sa mga bilihin eh, mahirap rin makapunta dito.

"Hmm, bakit mo nga ulit ako isinama dito hindi nalang mga kaibigan mo?" tanong ko.

"I just want peace," sagot niya.

"Peace ba ako?" tanong ko tapos nakita ko lang siyang ngumisi. Kumunot naman ang aking noo nang makita kong may mga sugat sugat siya sa kanyang braso. Nakikita ko kahit pa tanging lamp lang ang ilaw namin at ang buwan tapos may mga tattoo siya. Mukhang mga bagong sugat. 

"Anong nangyari diyan?" tanong ko tapos itinuro ko ang kanyang mga sugat gamit ang nguso ko.

"Just wounds," sagot niya. Huminga ako ng malalim at napaisip kung paano siya tumakas at paano ba ang trato sa kanya don? Kaya ba siguro hindi ko siya kilala kahti noon at si Kuya Raymond lang ang lumalabas palagi sa social media? 

"Maayos ka ba ngayon?" tanong ko. 

"What do you mean?"

"Baka kasi mamaya magwala ka lang diyan, sabihan mo muna ako ah, para makapaghanda ako," sagot ko. Para rin  makatakbo na ako. Tumawa lang siya ng mahina.

"Don't worry, they say medicines help," saad niya. Natigilan naman ako sandali nang may naalala ako.

"Sino si Nelia?" tanong ko at pakiramdam ko tuloy ay may yumakap sa'kin na sobrang lamig. Baka multuhin na naman ako. Wala naman akong third eye o kahit ano kaya hindi ko alam kung bakit minsan nakakakita o lapitin ako. 

"Ginugulo ka ba?" tanong niya. Umiling naman ako. 'Yon na ang huli, sana dahil ayoko ng makakita ulit. 

"She's my childhood friend," sabi niya. Napaawang naman ang labi ko. Totoo ngang may Nelia? pero bakit may mga sinabi siya sa'kin at bakit parang galit si Ate Nelli.

"Neli, is her mother." 

"Bakit wala na siya?" hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras na itanong ko. Baka may masabi akong hindi niya magustuhan. 

"What a perfect time to ask questions." nakangisi niyang sabi. Ngumuso naman ako. "Just ask some other time."

"Okay," sagot ko.

"It makes me mad." 

"Hindi na nga eh," sagot ko. Wala kasi akong matanungan sa bahay tapos wala na rin si Ate Neli sa'min. Pero bakit ko nga ba pipiliting pumasok sa buhay nila? pero kung ayoko nga talagang pumasok eh bakit nandito ako ngayon? dapat nandoon ako kayna Sofia. 

"Tatahimik lang ba tayo?" tanong ko nang lumipas na ang ilang minuto ay walang nagsasalita sa'min. Hindi rin pa kasi ako inaantok.

"What?" tanong niya.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon