21

109 4 0
                                    

Kumuha lang ako ng jacket pagkabalik ko sa tent namin. Nagpaalam lang ako na maglalakad lang, gusto ngang sumama ni Goerge at nong dalawa dahil baka mawala raw ako dahil maya-maya may pupuntahan at aakyatin kami. Mas pinili kong samahan si Ridge. 

"Ridge!" sigaw ko nang makita ko na siya na nakasandal lang sa malaking puno. Medyo malayo rin nilakad ko. Pero malapit 'to sa banyo.

"Saan mo ba gusto pumunta?" tanong ko. Ngumiti siya bigla. 

"Sasamahan mo talaga ako?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin. Talagang sumusubok ako sa mga bagay na hindi ko muna pinag-iisipan.

"Dadalhin mo ba ako ulit don?" tanong ko.  

"Saan?" talagang hindi ko siya maintindihan, parang nakalimutan lang rin niya ang ginawa niya sa'kin. Umiling ako. 

"Don't worry, I will not take you to a place where you will perish." 

"Perish? grabe ka naman," sagot ko. Tumawa lang siya sandali at inabot ang kamay niya sa'kin. 

"Teka lang," sabi ko tapos sinagot ang tawag nila Tessa.

"Nasaan ka girl nandito na ang guide natin, sasama ka ba?" tanong niya. 

"Ah mauna na kayo, nandito ako sa 24hours store." pagsisinungaling ko.

"Ha? paano ka naman nakarating agad diyan ang layo niyan dito, alam mo naman kung nasaan tayo diba tapos mag-isa ka lang pumunta diyan." para naman 'tong nanay ko.

"Akala ko ba mag-enjoy tayo dito, ano ka ba makakasama natin 'yong mga pogi," sabi niya tapos narinig ko ang tawa ni Sofia.

"Mauna na kayo, sige na, bilhan ko nalang kayo ng ice cream," sabi ko.

"May ka-meet up ka 'no, ano ba Goerge!"

Kumunot naman ang noo ko sa ingay na naririnig ko.

"Hoy babae nasaan ka!" sigaw ni Goerge. 

"Wala kang pakealam," sagot ko.

"Wow ah, kapag ikaw mawala," sabi niya.

"Hindi na ako bata."

"Sumama ka pa dito kung aalis alis ka rin lang naman," saad niya. 

"Sige na, enjoy lang kayo diyan alam ko naman pabalik," sabi ko tapos pinatay na ang tawag. Hinawakan ko agad ang kamay ni Ridge.

"Bilisan natin baka libutin ni Goerge ang buong gubat," sabi ko tapos hinila ko na siya pasabay sa paglalakad sa'kin. "Sabi ko lang kasi maglalakad lakad lang ako, nabusog rin kasi ako sa kinain namin."

"Who's Goerge?" tanong niya. 

"Ah classmate ko na makulit," sagot ko. 

"Ah okay." biglang nagbago ang tono ng boses niya kaya binitawan ko siya. 

"Anong tono 'yan baka saan mo lang ako dalhin ha," sabi ko. Naku baka pagalitan ako ni Lyn kung nandito siya. Di kaya tuksuin ako ni Honey. Ano ba itong ginagawa ko sigurado akong masisigawan ako ni mama. 

"Just trust me," sabi niya nang makarating na kami sa exit. May mga card naman na binigay sa'min kaya makakalabas at makakabalik lang rin kami dito sa site.

"Trust me? seryoso ka ba pagkatapos ng ginawa mo sa'kin." inis kong sabi. 

"Ang ingay, kung ayaw mo pala hindi ka na sana sumipot." Natigilan naman ako sa paglalakad nang sinabi niya 'yon. Huminga ako ng malalim at umirap tapos sumunod lang sa kanya. Nandito na 'to eh. Hindi naman niya siguro ako papatayin o ipapakain sa buwaya. 

"Hindi mo kasi sinasabi kung saan pupunta," sabi ko nang nasa harapan na kami ng isang sasakyan. "Ano nga pala ginagawa ng mga kaibigan mo dito at nakasunod ka sa kanila?" pag-iiba ko ng usapan pero hindi na siya nagsasalita. Pinagbuksan lang niya ako ng pinto at sumakay lang ako agad tapos hinintay siya. Hindi siguro alam ng mga kaibigan niya o nakakasama rin niya, malay ko ba baka naimpluwensyahan siya? 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon