29

80 1 0
                                    

Sinalubong agad ako ni mama nang makababa ako ng sasakyan. Yinakap niya agad ako ng mahigpit. Kailangan ko kasing umuwi rin dito tuwing weekends, kaya kahit malapit na ako sa University namin ay nakakapagod pa rin dahil kailangan kong mag-travel ulit pabalik dito, pero ayos lang dahil namimiss ko rin naman si mama minsan.

Tumingin naman ako kay Cathy na kinukuha na rin nila.

"Malapit na birthday mo anak, sabihin mo na kay mama anong gusto mong gawin natin?" nakangiting tanong ni mama habang naglalakad kami sa may hardin papunta sa bahay.

"Kahit ano po ma," sagot ko.

"Bago 'yan anak ah, dati sasabihin mo agad kay mama na gusto mo ng bagong damit," saad ni mama.

"Kasi ma ngayon marami na akong damit, sobrang dami." Sobrang rami ko na ngang mga gamit na hindi ko pa naman kailangang gamitin. Ayoko talagang malaman ng mga kaklase ko kung ano nang nangyayari sa buhay ko. Marami silang itatanong kapag malaman nilang nakatira ako sa bahay ng isang mayor. Kaya nga si mama halos minsan dito lang sa bahay, kung gustuhin lang niya mamasyal eh lalabas siya. Ayaw naman niya kasing sumama kay dad maglibot sa Alvarez. Pero sigurado ako 'yong mga kaibigan niya na nakakasama ay may alam. Madaldal rin kasi itong si mama, nagmana ako kaya nag-iingat talaga ako.

"Rea!" Ngumiti naman ako nang tawagin ako ni daddy pagkapasok ko ng bahay. Ilang buwan na rin ang lumipas ay nasasanay na rin ako sa kanya.

"Dad!" Yinakap niya ako at yumakap rin ako pabalik. Sa lahat ng naging boyfriend ni mama siya yata ang unang magugustuhan ko.

"Rea!" Lumingon naman ako sa sumigaw si Kuya Raymond.

"Kuya!" Ako ang naunang yumakap sa kanya. Mas nauna rin kasi kaming naging close ni Kuya at dahil sa kanya marami rin akong nalaman tungkol sa pamilyang ito.

"Kumusta ojt days mo?" tanong niya habang nakaakbay sa'kin. Nakita ko naman si Sara na kumakaway sa'kin, kumaway rin ako sa kanya pabalik. Grabe ang pagsalubong nila palagi sa'kin 'yong tipong parang hindi ako umuuwi ng isang buwan.

"Maayos naman, nakakastress lang ang ibang estudyante," inis kong sabi. "Kinakabahan rin ako minsan kung inoobserbahan na ako ng guro nila."

"Okay lang 'yan!" tapos ginulo niya ang buhok ko.

"Ma, mauubos ba natin 'yan?" tanong ko kay mama sa dami ng pagkaing nakahanda sa lamesa.

"Masanay ka na," sagot ni mama. Ngumuso ako tapos sumunod na sa kanila. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Parang masaya at normal na pamilya lang pero kulang kami ng isa. Wala pa si Ridge. Kailan ba kasi siya babalik?

"May problema ba ana?" Napalingon ako kay Dad. Umiling agad ako bilang sagot dahil nakatulala na pala ako sa pwesto ni Ridge. Talaga bang namimiss ko siya?

Pagkatapos kong kumain ay niyaya ko si Sara na pumitas kami ng mga bulaklak sa hardin. Wala na rin si Ate Neli, pinalipat raw siya sa dating bahay. Naiilang rin kasi sa kanya si mama at naiinis ako minsan sa pagkukumpara niya kay mama sa dating asawa ni dad.

"Ayan maganda," komento ko nang mailagay ko na vase na nandito sa kwarto ko ang mga bulaklak.

"Kumusta ka naman dito?" tanong ko kay Sara.

"Maayos naman po ma'am, pinapanatili ko po talagang malinis ang kwarto niyo." nakangiti niyang sagot.

"Salamat, Sara," sagot ko.

"Anak?" Napalingon kami parehas sa may pintuan.

"Ma?" Nilapitan ko si mama at agad niyang hinawakan ang magkabila kong kamay.

"Sabi ng dad mo, okay lang ba na ma-invite kita sa dinner mamaya? kailangan raw kasing kumpleto tayo." Kumunot naman ang aking noo.

"Dinner ma?"

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon