"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni mama habang hinahaplos niya ang aking tiyan. Mabuti naman at hindi na raw ako kailangang isugod sa hospital. May doctor na pala sila dito na matatawagan agad. One call away lang. Nandito na rin si kuya Raymond, si Ridge tapos si mama at si Mayor.
"Maayos na po," sagot ko.
"Just trust those medecines Mayor," sabi ng doctor na bata pa naman pero alam kong matanda na kesa kay kuya Raymond. Sabi niya baka may nakain raw akong masama o nainom na hindi nagustuhan ng tiyan ko. Wala pa naman akong kinain na kahit ano mula pagkagising ko.
"Wala na bang ibang masakit sayo?" tanong ni mama at hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin kay Ridge tapos naalala ulit ang ginawa namin.
"Wala na po, salamat po." nakangiti kong sagot. Pero gusto ko lang talaga magpahinga ngayon.
"Pakisuri ang kusina at ang lahat ng pagkain," sabi bigla ni Mayor nang tumayo ito at hinawakan ang kamay ni mama.
"Ma okay lang po ako." natatawa kong sabi kay mama. dahil hindi na maipinta ang mukha niya. Hinalikan niya ako sa noo tapos ginulo ang buhok ko.
Naisuka ko na rim siguro lahat.
"Magpahinga ka lang muna," sabi ni mama. Tapos ilang minuto ang lumipas ay lumabas na rin silang lahat. Lahat pati ang taong ayokong umalis pero nakakahiya namang habulin ko siya tapos makikita nila mama.
"Ma'am baka may gusto po kayo?" nagulat ako sandali. Akala ko kasi lahat, nandito pa pala si Sara.
"Wala naman Sara, magpahinga ka lang," sabi ko.
"Ma'am paano kung pinaglalaruan ka ng kambal ni Sir Ridge."
Kinabahan naman ako agad sa sinabi niya. Kaya sumakit ang tiyan ko?
"Hindi totoo mga 'yan Sara, tumigil ka." agad kong sabi. Masiyadong matakutin 'to hindi kami pwedeng magsama na kaming dalawa lang. Parehas yata kaming mamatay sa takot. Tumahimik naman siya agad.
"Si--sir!" nakita kong nagulat bigla si Sara tapos bumukas ang pinto ko.
"Can you leave us?" tanong niya kay Sara.
"Pero sir--"
"Don't tell a word to my father."
Anong kailangan ni Ridge ngayon. Tumingin ako kay Sara at parang hinihintay niya ang desisyon ko. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko at natatakot ako sa anong iisipin ni Sara.
"Sara, now." rinig kong sabi ni Ridge.
"Opo sir!" sigaw bigla ni Sara at mukhang natakot at kinabahan siya kay Ridge, napilitan siyang lumabas.
"Anong kailangan mo?" nakangiti kong tanong. Pinapakalma ko lang talaga ang sarili ko.
"Akala ko nabuntis na kita," sabi niya tapos tumaas ang sulok ng labi niya. Inirapan ko naman siya.
"Tumahimik ka!" sigaw ko at ngumuso. Lumakad siya palapit sa'kin at kinabahan ako nang umakyat siya sa higaan at pumunta sa ibabaw ko.
"Ma--masakit pa," sabi ko. Ngumiti siya tapos hinalikan ang ilong ko.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko.
"What, i have already kissed your--"
"Tama na.." saway ko.
"Hey, you know... Im sensitive but caring, I'm crazy but sweet, Moody? yes.. but I know how to understand."
Kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa mga mata niya. Hindi ko siya maintindihan.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.