Nagising ako nang marinig ko ang boses ni manong. Umupo ako agad at sumilip sa bintana. Hindi ko mapigilan ang aking ngiti dahil sa ganda ng bahay. Talagang titira na rin kami dito ni mama? Napakaganda. Pasok sa taste ko. Pinagbuksan ako ni manong ng pintuan at inalalayan niya rin akong makababa ng sasakyan.
Sakto rin bago magbukas ang pasukan ay makita ko muna ang bahay namin.
"Ang ganda," sabi ko sa sarili ko. Tumingin naman ako sa mga sumunod na sasakyan at nakita kong lumabas si Kuya Raymond tapos si Ridge. Makakasama ko na ba talaga sila dito buong summer? Lalabas labas nalang ako para hindi ko sila masiyado makasama. Okay lang naman si Kuya pero naiilang pa ako sa kanya kay Ridge naman mas lalo lang akong naiilang sa kanya. Gate palang namin ay mamahalin na ang dating. Hindi mo gugustuhin magnakaw sa loob dahil sa dami ng guards na nakapalibot pero kailangan bang maraming bantay?
"Magandang umaga po Ate Nelli!" pagbati ni Sara sa babaeng sumalubong sa'min base sa uniform na suot niya siya ata ang pinaka-head sa lahat dito maliban lang siguro sa mga guards at drivers.
"Magandang umaga rin Sara, naku mabuti at nakarating na kayo, sigurado akong gutom na po kayo nakahanda na ang pagkain sa kusina," sabi ni ate Nelli? Mukhang mabait naman siya at hindi nakakatakot pero mukhang mas matanda pa siya kay mama at kay daddy-mayor.
Hindi ko rin alam kung bakit natigilan siya kay Ridge at nakita kong tinitigan pa niya ito bago umiwas ng tingin.
"Ma'am?" pagtawag sa'kin ni Sara.
"Gusto ko ng dumiretcho sa kwarto ko, napagod ako sa biyahe," sagot ko.
"Ah eh, sige po," sabi ni Sara at sumunod lang ako sa kanya. May isa namang babae rin na umalalay sa'min para ihatid kami sa mga kwarto. Nasa 2nd floor at hindi ko alam kung bakit magkatabi na naman kami ng kwarto ni Ridge. Pero mabuti rin na malayo ang kwarto ni Kuya Raymond sa'min.
Pagkapasok ko ng kwarto ay mas maganda pa siya kesa sa kwarto ko sa bahay ni Mayor. Mas malawak at mas maganda siya. May sarili ring kwarto si Sara sa loob ng kwarto ko kaya mas malapit na rin kami hindi na niya kailangan bumaba minsan. Iniisip ko nga kung isasama ko pa siya sa condo, dahil gusto ko sana mag-isa lang ako. Ayoko ring gawin niya lahat para sa'kin.
Inayos ko lang mga kaunting gamit na nadala ko mula sa bahay namin ni mama at sa bahay ni Mayor, nagpatulong na lang rin ako kay Sara sa pagliligpit.
"Salamat Sara," sabi ko nang matapos kami.
"Trabaho ko lang po ma'am." nakangiti niyang sabi. Tumango ako tapos dumiretcho ng banyo. Kahit naligo na ako kanina at pagod pa katawan ko ay trip kong maligo ulit dahil ang ganda ng banyo. Masaya ring tumambay sa bath tub eh.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako tapos bumaba na rin kami ni Sara. Pagkababa namin ay nakita ko si Ridge na tumatambay lang sa sala. Niyakap ko ang sarili ko tapos tumingin kay Sara.
"Tatawagin nalang kita kapag may kailangan ako," sabi ko.
"Okay po ma'am," sagot niya at lumakad na palayo. Lumakad naman ako papunta kay Ridge.
"Nasaan si Kuya Raymond?" tanong ko at inangat niya ang kanyang tingin sa'kin. Busy rin kasi siya sa cellphone niya.
"I don't know," sagot niya. Kumunot naman ang noo ko tapos inilibot ang tingin sa paligid.
"Umalis ba?" tanong ko, "o lumabas ng bahay?"
Nakita ko naman siyang tumango bilang sagot. Ang tahimik niya ngayon ah. Umupo naman ako sa tabi niya. Tumingin lang siya sa'kin sandali tapos ibinalik ang pansin sa cellphone niya. Sumilip naman ako sa cellphone niya at napangisi ako dahil puro babae laman ng timeline niya ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/285659382-288-k523278.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.