Nagising ako at iniisip na panaginip lang 'yon lahat. Pero hindi nandito pa rin ako sa kwarto niya at nakabalot lang ng kumot ang aking katawan. Nakita ko ring nagkalat lang ang mga suot namin kagabi. Napasapo ako sa aking noo tapos napansing wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong umupo at nakaramdam ako ng kirot sa ibaba ko. Hindi nga panaginip 'yon! Napatakip ako ng aking bibig dahil baka makasigaw ako.
"You're finally awake." muntik akong mapaigtad sa gulat nang marinig ko ang boses niya. Pants lang ang suot niya. May hawak siyang lapis at parang pinagmamasdan niya ang isang malaking white board sa harapan niya hindi ko alam anong tawag don. Ngayon ko rin lang napansin na marami siyang iba't ibang kulay ng paint dito sa kwarto niya. Ngayon ko rin lang napansin ang amoy ng pinta. Hindi ba siya magkasakit kung dito siya natutulog?
Lahat ba ng nakikita kong paintings dito sa loob ay gawa niya o baka nag-iisip lang ako masiyado malay ko ba baka trip lang niyang hawakan ang lapis tapos titigan ang board. Gusto ko na sanang bumaba sa higaan pero nakakaramdam ako ng pagkailang at kirot tapos hapdi! Lahat tuloy ng ginawa namin kagabi ay bumabalik sa isipan ko. Baka ano na rin naiisip niya sa katawan ko, pagkakaalala ko ay bukas lahat ng ilaw.
"Pakasalan mo'ko ah!" sigaw ko at hindi manlang siya siguro nagulat sa isinigaw ko at nakatalikdo pa rin siya sa'kin. Grabe, pupunuin niya yata ang katawan niya ng tattoo. Inayos ko ang pagkabalot ng kumot sa'kin.
First time 'to nangyari sa'kin at hindi ako lasing. Marami na akong naka-fling at ilang lalaki na rin nakahalik sa'kin pero hindi ko sila hinahayaang dalhin sa kama o angkinin ang katawan ko. Ngayon lang 'to nangyari sa'kin at hindi ko alam ang iniisip ko.
"Pakasalan mo'ko paano kung maya-maya nabuntis mo'ko!" pero naka-birth control naman ako diba? magtiwala tayo don. Patay ako sa mama ko. Hinahayaan niya ako sa lahat ng bagay wag lang 'to. Hindi ba siya magsasalita!
"Sabi ko, pakasalan mo'ko," sabi ko at hindi na ako sumigaw. Siguro maririnig pa rin naman niya. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Hindi naman ako naniniwala sa kasal muna bago 'to. Pero gusto ko sana ang lalaking aangkin sa'kin ay ang lalaking papakasalan ko na rin o asawa ko. Pero hindi ko alam kung mangyayari pa 'yon. Ano nalang kaya sasabihin ng future ko, na hindi ko siya hinintay lumandi ako agad?
"Hey." Lumingon ako sa kanya at nakaharap na siya sa'kin. Dahil sa malaki niyang bintana ay may silaw ng sinag na araw ang pumapasok dito sa loob ng kwarto niya at kitang-kita ko ang maganda niyang katawan. Pero hindi siya 'yon malaki talaga 'yong muscles tapos nasobrahan sa abs, 'yong sakto lang tapos type ko.
"What did you say again?" tanong niya at inirapan ko siya.
"Pakasalan mo'ko," sabi ko tapos nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya.
"Uunahin natin sila?" tanong niya na ikinatigil ng buo kong mundo. Kumuha ako ng unan at doon ibinaon ang mukha ko tapos sumigaw. Si mama at si Mayor, ano na ngayon ang sasabihin nila kapag malaman nila 'to? Hindi..hindi dapat nila malaman 'to.
Hindi ko nga siya boyfriend at nakalimutan kong magiging kapatid ko na rin pala siya. Ano ba itong pinasok ko, may pagkabobo na nga ako sa acads pati ba naman dito? Inangat ko ang aking tingin tapos magsasalita sana ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Sir--"
'Yong katulong na kahalikan ni Ridge nong isang gabi! Nanlaki ang mga mata ko nang gulat siyang mapatingin sa'kin. Lumunok ako at nag-iisip kung ano ang gagawin ko. Nakita na niya ang mukha ko kaya paano ko pa itatago 'to?
"So--sorry..sorry sir!" sigaw niya tapos bigla siyang tumakbo. Tumingin ako kay Ridge na ibinalik lang ang pansin niya sa ginagawa niya kanina. Hahayaan lang ba niya 'yon paano kung ipagkalat niya sa lahat! Hindi rin niya isinara ang pinto. Hindi rin ba naka-lock ang pinto niya simula kagabi?
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.