20

102 3 0
                                    

Nararamdaman ko ng umaga na sa labas at hindi ako nakatulog ng maayos. Grabe hindi manlang ako nalasing. Dahan-dahan akong bumangon tapos lumabas ng tent namin, mahimbing pa ang tulog ng dalawa. Nag-inat agad ako pagkalabas namin, ang tahimik. Natutulog pa yata sila. 5 a.m. pa lang siguro.

Sarap ng hangin tapos kagandahan agad ni mother nature makikita mo.

Natigilan at natulala ako sandali nang makita ko si Ridge na may hawak na parang notebook at isang lapis. Nakatuon ang pansin niya sa isang puno, na malapit sa tent namin? Hindi kao sigurado at kinusot ko pa ang mga mata ko kung siya nga ang nakikita ko ngayon. Kagabi ko pa siya tinititigan, at sigurado akong siya nga ito.

Umiwas ako ng titig nang umangat ang tingin niya. Kami lang ba dito sa labas. Kailangan ko 'tong sabihin kay mama. Paano siya nakalabas at magaling na ba siya? hindi pa tapos ang rehabilitation niya! Huminga ako ng malalim at pagkabalik ko ng aking tingin sa kanya ay may mga kausap na siyang mga kaibigan niya. 

Normal naman ang mga ngiti niya ngayon, parang ngiti nong una ko siyang nakilala. 

"Rea, ang aga mong gumising ah." Lumingon ak osa aking likuran. 

"Kayo rin," sabi ko sa kanilang dalawa.

"Mga boys, sigurado akong late 'yan magigising," sabi ni Tessa.  Nakita ko rin silang nagbulungan agad pagkatingin kayna Ridge. Hindi ko nga rin alam kung baka namamalikmata lang ako o baka rin kamukha lang niya? pero nasa tamang pwesto ang mga tattoo niya. Nakita niya ako kanina diba wala siyang reaksyon o kabahan man lang? 

"Pakiramdam ko malamig rin ang tubig," sabi ni Sofia habang nakatuon ang pansin sa ilog.

"Satingin mo Rea maliligo rin kaya sila?" kinikilig na sabi ni Tessa.

"Aba, ewan ko, siguro. Bakit?" Nakangisi kong tanong. 

"Parang mas masarap maligo kung kasama sila," sagot niya at natawa lang kami ni Sofia na nakatuon na agad ang atensyon sa nilalaro niya. Pumasok na muna kami sa loob para magpalit ng pangligo, syempre nakatalikod kami sa isa't isa at wala namang kaso dahil babae naman kami lahat dito. Sayang, mas sanay akong kasama sila Honey at Lyn eh, nakakainggit naman 'yong ibang magkakaibigan simula first year ay magkakaibigan at close pa rin ngayon. Namiss nga ako ni Honey pero malayo naman siya. Si Lyn naman hindi makausap pero balita ko buntis siya, ayaw ba niyang maging ninang kami? 

"Daming tattoo ng isang kasama nila 'no?" tanong ni Tessa nang makalabas kami at tulog pa rin ang dalawang boys. Tumango lang ako bilang sagot. 

"Bakit pati sa mukha meron? feel ko mas gwapo siya kung wala," sabi niya. 

"Oo, mas gwapo talaga," sagot ko. 

"Wow girl." Natatawang sabi ni Tessa at tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi ko siya na-gets sinagot ko lang naman sinabi niya. 

"Well, uso na talaga niyan ngayon, marami na akong nakitang ganyan," sabi ni Sofia. 

"'Yong iba nga pati mata nila eh." dagdag pa ni Tessa. 

"Art nila 'yan isa pa ang cool naman niyang tignan," sabi ni Sofia at sabay-sabay kaming umiwas ng tingin dahil napatingin sila Ridge sa'min tapos natawa lang kami baka kasi napaghalataan kaming pinag-uusapan sila. Pero hindi talaga ako mapalagay at bakit nandito si Ridge. 

Hindi ko nga minsan ma-gets ang ibang math subjects namin, siya pa kaya?

Pagkatapos ng chikahan ay agad na kaming tumakbo papunta sa ilog. Maraming klase ng mga batong makikita dito, iba't iba ang mga hugis tapos mga kulay at may maliit tapos malaki. Hindi ko nalang muna iisipin si Ridge, isa pa malaki na siya baka pinipili lang niya talaga maging adik. I mean hindi naman siya mukhang adik talaga, pero hindi ko lang talaga maipasok sa utak ko 'yong ginawa niya sa'kin tapos mga salita niya na parang palagi siyang kulang kaya hindi namin maintindihan ang kilos niya? 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon