Pagkarating ko sa bahay ni Mayor ay hindi ko pinansin si mama kahit si Sara. Dumiretcho ako ng lakad papunta sa office ni dad o kung dapat ko ba talaga siyang tawaging tatay ko. Wala si Ridge at ang alam niya ay naihatid niya ako sa University. Hinatid naman niya talaga ako doon pero agad akong sumakay papunta dito.
Nakasalubong ko si Kuya Raymond sa labas at nagulat rin siya nang makita ako.
"Anak may kailangan ka ba kay Raymond?" Tumingin ako kay mama na kanina pa sumusunod sakin. Mas mabuti ng sumama siya sa loob. Bahala na kung sino ang nagsasabi ng totoo basta ang alam ko hindi aamin sakin si mama kung may nagawa siyang mali.
"Anak, kakarating mo lang baka napagod ka."
Hindi ko siya pinansin at huminto ako sa harapan ng pinto ni dad.
"Galing ka sa University niyo?" tanong ni kuya dahil nakasuot pa ako ng ojt uniform ko. Hindi ko rin siya pinansin. Hindi naman ako manggugulo gusto ko lang malaman ang totoo. Hindi rin kasi ako naniniwala dati na mahuhulog agad sa kanya ang isang mayor ng Alvarez City.
Binuksan ko ang pinto tapos nakita ko agad si dad na nakatuon ang pansin sa laptop niya. Nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Dumitecho ako ng lakad at nakasunod pa rin si mama pati si kuya.
"Totoo bang binili mo ang nanay ko?" tanong ko at nakuha ko agad ang atensyon niya.
"What are you talking about Rea?" tanong niya pabalik sakin.
"Baka kilala niyo ho 'yong ex ni mama, baka po ipinalit nya si mama sa pera."
Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa braso ko nang mahigpit.
"Ano bang pinagsasasabi mo anak!" sigaw ni mama.
"Bakit ka sumisigaw ma?" tanong ko kay mama at nakita ko siyang tumahimik. Tumingin ulit ako kay dad na ngayon ay nakatingin kay Kuya na parang may sinasabi siya dito gamit lang ang kanyang mga mata.
"Yes dad," sabi ni Kuya tapos lumakad ito paalis ng opisina.
"Ano? totoo po ba? kasi alam kong hindi magsisinungaling ang demonyong 'yon!" sigaw ko.
"Ross, pwede mo ba kaming iwan muna?"
"Anak, ano bang nangyari bakit mo ba nasasab--"
"Ross please." hindi ko alam kung bakit nagagawa paring maging malumanay ni dad kay mama. Tumingin ako kay mama at binitawan niya ako. Tumango siya tapos lumabas ng opisina.
"Have a sit."
Kahit wala akong time ay umupo ako sa harapan niya.
"I just win her back, that's all."
"Ano ho ang ibig niyong sabihin?"
"Naging kami ng mama nong high school kami, we're fine not until she met my best friend, your father."
Natigilan ako sandali sa sinabi niya.
"Tatay ko?"
"Yeah but don't waste your time finding him, he's dead already."
Umiwas ako ng tingin. Wala naman akong pakealam sa totoong tatay ko, ayoko talagang aksayahin ang mga bagay na wala na at mas lalo lang akong malulungkot. Hindi naman na bago. Pero hindi nga ba o baka hindi ko lang talaga alam ang dapat kong maramdaman ngayon?
"Paano mo siya nakilala?"
"Hindi ka ba nakikinig iha? your dad stole Ross from me so para sakin karma na inagaw rin buhay niya. He had a car accident. Akala ko babalik si Ross sakin pero nahulog at nagmahal naman siya ng isang kriminal."
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.