Warning: NOT suitable for young readers.
Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.
you'll find the grammar and the punctuation is IS OFF please bare with that and READ AT YOUR OWN RISK.
--
Tumawa ako para mabawasan ang pagkailang ko. Tumingin ako sa kanya at nakatitig pa rin siya sa'kin.
"Mas gusto mo ba ako maging girlfriend kesa maging kapatid?" nakangisi kong tanong. Pinipilit ko lang na panatilihing kalmado ang sarili ko sa kahit anong sitwasyon. Isa pa baka pinaglalaruan lang ako nito.
"Ikaw ah, wag mo'ko nilalandi, mabilis lang ako ma-fall," sabi ko tapos narinig ko siyang tumawa ng mahina. Pero imposibleng mahulog ako sa kanya dahil hindi ko type ang mga katulad niya. Posibleng magustuhan ko siya pero hanggang don lang 'yon.
Nanlaki ang mga mata ko nang inilapit niya bigla ang kanyang mukha sa'kin. Diba dapat ang gagawin ko ay itulak siya bakit hindi ko magawa.
"Ridg--hmm.."
Inilapat niya ang kanyang labi sa'kin. Bakit?Bakit niya ito ginagawa. Lasing ako dati kaya hindi ko siya at kahit sarili ko ay hindi ko napigilan. Pero ngayon, maayos ako at gising na gising. Sabi ko dati kung may gumawa sa'kin nito na hindi ko boyfriend ay talagang sasampalin ko!
Kumapit ako sa balikat niya nang maramdaman ko ang kamay niya sa balakang ko tapos hinila pa niya ako palapit sa kanya.
"Bored ka ba?" tanong ko sa gitna ng halik namin. "Magkapatid tayo.."
Inilayo niya ng konti ang mukha niya sa'kin. Pero hawak pa rin niya ako.
"We're not," sagot niya.
Bakit ba ako parang nalalasing sa mga titig niya. Mas dumiin ang pagkahawak ko sa balikat niya nang maramdaman ko ang labi niyang dumampi sa leeg ko.
"Lasing ka ba?" pabulong kong tanong. Dahil pakiramdam ko lasing talaga siya.
"Hindi pero nakainom ako," sagot niya. Hindi ko mapigilan baka mahulog lang bigla ang panty ko dahil sa boses niya, ay! Bakit ko ba nasasabi 'to.
"Ridge.." pagtawag ko sa pangalan niya nang maramdaman kong kinagat niya ako sa balikat ko. Naku, baka saan 'to mapunta. Easy to get pa naman ako, minsan.
Tinitigan niya ako bigla sa mga mata ko at hindi ko magawang umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay naririnig niya rin ang lakas na tibok ng puso ko. Nahihirapan na nga akong huminga. Masakit na hindi ko maintindihan.
Kinagat ko ang labi ko at narinig ko siyang nagmura. Inangkin niya bigla ang labi ko at hinayaan ko siya dahil humalik ako pabalik. Mas idiniin pa niya ang sarili sa'kin.
"Ridge!" sigaw ko nang putulin niya ang halik tapos binuhat ako na parang prinsesa tapos lumakad siya palabas ng balkonahe. Kumapit naman ako agad sa kanya dahil baka mahulog ako. Saan naman niya ako dadalhin?
"Tek--teka!" sigaw ko pero nakapasok na kami sa kwarto niya! Bukas lahat ng ilaw at napansin kong mas malawak pa ang kwarto niya kesa sa'kin. Maraming paintings at sketches sa walls. Para akong pumasok sa isang museum na puno ng art works.
Napatili naman ako nang bigla niya akong ihulog sa isang malaking kama. Agad akong umatras at sumandal sa head board. Lumapit siya sa'kin tapos inabot ang pisngi ko.
"Ridge.." napapikit ako nang halikan niya ako ulit. Hindi ko na mapigilan ang puso ko para itong tumatalon talon at tumatakbo na sa loob ko. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa tiyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/285659382-288-k523278.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.