Hindi mo talaga minsan maintindihan ang panahon. Minsan nakakalito. Okay ka ngayon, mamaya baliw ka na. Masaya ka pa sa ngayon sa susunod na mga araw umiiyak ka na. Kaya kahit anong mangyari sa'kin pipiliin ko talagang maging masaya. Sabi nga nila Happiness is a choice.
"Good morning," sabi ko nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ko at may ginuguhit na naman sa sketchbook niya. Nakita ko naman siyang ngumiti. Mabuti naman at nakatulog lang rin siya kagabi, salamat sa mama ko at itinuro niya ang twinkle twinkle sa'kin.
"Morning," sabi niya.
"Morning lang sa'kin?" tanong ko at kinusot ang mga mata ko agad ko namang hinanap ang maliit kong bag at hinanap ang salamin. Baka kasi panget na ako dito o may mga muta. Nahihiya tuloy ako bakit nauna kasi siyang magising, parang natataranta tuloy akong magsipilyo.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko ulit nang nakita ko na seryoso siya habang gumuguhit.
"Ano 'yang ginuguhit mo? ang early ah," sabi ko tapos tumayo ako para tumabi sa kanya. Natulala naman ako sandali nang makita kong ako na natutulog ang ginuguhit niya. Sigurado namang ako ito, kahit pa nakapikit ang babae diyan.
"Ako ba 'yan?" tanong ko para makasigurado kasi baka nga rin nagfe-feeling ako.
"Yeah, sorry baka hindi mo gusto na ginuguhit ka," sagot niya. Agad akong umiling.
"Hindi 'no, wish ko nga makatanggap ng sketch o painting sa birthday ko eh, kaya baka naman." nakangiti kong sabi tapos tinapik ang balikat niya.
"Masarap maligo ngayon sa dagat, tara?" pagyaya ko. Ayoko talaga kasi mas gusto ko pang maglakad na kami ngayon ulit papunta sa liguan. Kaso parang maganda ang araw ngayon, magandang salubungin ang himig ng alon.
"Okay." nakangiti niyang sagot tapos nauna na siya sa'kin lumabas. Tinignan ko ulit ang sketchbook niya. Ngayon lang yata ako nakakilala ng isang tao na sobrang talented. Meron naman sa'min kaso hindi ko close eh. Wala namang talent sila Goerge. Nakakamangha lang na may pinanganak talagang gifted.
Inayos ko muna ang higaan namin tapos nagpalit lang ako ng suot at lumabas na. Nakita ko naman siya agad na naliligo na sa dagat. Tumingin rin ako sa paligid, at sa di kalayuan sa pwesto namin ay may mga naliligo. Maganda sigurong gawin itong resort.
Tumakbo ako at sinalubong ng aking mga paa ang maliliit na alon. Lumangoy rin ako palapit sa kanya. Hindi naman ako kagalingan parang sakto lang na kaya kong magpalutang.
"Ang sarap ngayong maligo dito," sabi ko.
"But the sun will burn you," anito.
"Oo nga 'no, hindi pa naman ako nakapaghanda like sun screen wala ako non," sagot ko tapos ngumuso. Pero parang ayos lang na dumapo ang init ng araw sa balat ko ngayon.
"I think tan looks good on you," sabi niya. Umirap naman ako sa kanya. Gusto ko ngang mas lalong pumuti eh, patagal ng patagal mas lalong hindi pumapantay ang kulay ng balat ko.
"Alam mo Ridge, nakakamangha 'no? may kausap akong gwapo ngayon tapos anak pa ng mayor," sabi ko ng wala sa sarili. Nakakalutang kasi ang dagat eh. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Is it weird that you talk to someone crazy?" rinig kong tanong niya, hindi ako lumingon dahil nakapokus kasi ang aking atensyon sa langit at sa mga paa ko.
"Who would think I'm crazy if I'm so handsome." Tumawa ako ng malakas at muntik pa akong mawalan ng balanse sa dagat hindi pa naman ako nasa malalim hanggang sa balikat ko pa naman ang tubig.
"Ang feeling mo naman," sabi ko. "Nakakamangha rin lang na kapatid kita."
Nakita ko siyang umirap sa'kin. Lumibot talaga ang mga mata niya tapos tumaas ang kilay, parang babae. Umiling-iling ako tapos lumayo sa kanya. Subukan ko lang naman kung kaya ko na sa ilalim. Pero agad akong umahon dahil baka malunod ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.