Nauna na kami ni mama na umuwi sa bahay. Nagpaiwan sila dad sa mga Alvarez. May pag-uusapan pa sila siguro lalo na sa piankita ni Ridge sa kanila kanina. Kailangan ko pang makapagtapos ng college marami na namang pumapasok sa isipan ko. Teka, dapat positive lang pala ako.
"Anak, gusto kong mag-usap muna tayo," sabi ni mama nang makarating kami sa kwarto ko.
"Sa kwarto o sa labas ka lang muna Sara, dalhin mo rin itong si Cathy," sabi ni mama kay Sara. Huminga ako ng malalim at ayoko sana silang lumabas pero mukhang seryoso si mama sakin ngayon. Hindi ko na tuluyang na-enjoy ang birthday party ko.
"Anak ano 'yon?" tanong ni mama.
"Ang alin ma?" I asked back.
"Kayong dalawa ni Ridge?"
"Ano naman po kami?"
"Ay anak, wag mo akong sinasagot ng tanong pabalik."
Huminga ako ng malalim tapos napaupo sa gilid ng aking kama. Hindi ko alam anong sasabihin ko kay mama.
"May napapansin ako simula pa nong bumalik ang batang iyan dito."
"Ma pwedeng sa susunod na mga araw nalang, pagod po ako." parang bata kong sabi.
"Rea."
"Ma, please..birthday ko po ngayon."
"Kinakabahan lang naman ako anak sa mga malalaman ko. Wag naman sana. Kasal kami ni Raymond anak. Bagong pamilya natin ito."
I took a deep breath and realized my mother was right. Ano ba itong ginagawa ko. Sa sobrang luwag ko yata sa buhay ko ay gumugulo. Hinalikan niya ako sa noo tapos hinaplos ang aking buhok.
"Ma, masaya ka na ba ngayon?" tanong ko at umupo sa aking tabi.
"Oo naman anak, araw- araw naman basta alam kong nasa tabi lang kita." Nakangiting sabi niya.
"Kay dad?" tanong ko at napansin ko ang pag-iwas ng tingin niya sakin.
"Oo naman, hindi niya ako sinasaktan." Napatahimik ako sa sagot ni mama. Hindi ko na hahayaang makabalik pa si mama sa lalaking 'yon. Yinakap ko siya at naramdaman ko ang pagyakap niya sakin pabalik.
"Magiging maayos na ang lahat anak." Pabulong niyang sabi sakin. I nodded in response.
Pagkalabas ni mama sa aking silid ay agad akong nag-ayos at nagpalit na ng pangtulog. Kinuha ko naman si Cathy kay Sara.
"Happy birthday po ulit ma'am." Nakangiting pagbati sakin ni Sara. Tumingin ako sa orasan. Malapit ng matapos ang birthday ko. Dalawang oras nalang.
"Thank you Sara."
Hinayaan kong tumabi sakin si Cathy tapos nag-reply ako sa mga chat messages sakin ng mga kaibigan at kaklase ko. Marami ring may nag-tag sakin. Natatawa nalang ako sa mga lumang litrato ko, grabe sobrang jeje ko pa.
"Meow." Lumingon ako kay Cathy.
"Ngayon ka lang nagsalita ah, binabati mo ba ako Cathy?" tanong ko sa kanya at hinaplos ang ulo niya. "Thank you."
"Meow, meow." Naglalambing na naman ang pusa ko.
Tumigil naman ako at umupo ng maayos nang makita kong tumatawag si Ridge sakin. Sinagot ko agad.
"Okay ka lang ba?"
"Are you tired?"
We even spoke together. Huminga ako ng maluwag at sinapo ang dibdib ko. Kanina pa ako kinakabahan eh. Hindi ko kasi alam kung ano na ang piang-uusapan nila kanina. Kung okay lang rin ba siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.