“Love.. i missed you.” Bulong ko habang dinadama ang guhit ng pangalan niya.
“Hindi ko alam na ganyan pala kakapal ang mukha mo para sabihin sa kanya 'yan.” Tumingin ako sa gilid ko at nakita kong nakatayo roon si Takashi habang may hawak na bouquet of white roses, y/n's favorite flower.
“Alam ko..” Bulong ko.
“She doesn't want to take the operation dahil natatakot siyang hindi ka na niya mahalin.” Ani Takashi.
Hinayaan kong mamasa ang mukha ko ng luhang rumagasa pababa galing sa mga mata ko. Hindi ko rin naitago ang hikbi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. It's been four months since y/n died. Simula noon doon ko lahat napagtanto kung paano ako nagkulang at paano niya hindi naramdaman ang pagmamahal ko causing her to develop the disease. Kung sanang maaga ko lang naparamdam baka nandito pa siya. Baka kasama ko pa siya.
“Hanggang sa huli ikaw ang inisip niya. Ang swerte mong hayop ka.” Puno ng sakit na sumbat ni Takashi. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tanggapin lahat ng sumbat niya pati na rin ng kapatid ko.
“Masaya na siya kaya sana ikaw rin.” Binaba nito ang hawak na bulaklak bago tinapik ang balikat ko. Bago pa siya makalakad papalayo ay umubo na ako ng mga talulot ng bulaklak. Gulat siyang tumingin sa akin kaya ngumiti ako.
“I guess we're going to see each other on the other side. And this time I'm going to love her wholeheartedly.”
YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Historia Corta𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui