Kokonoi x Reader ! Debt

278 4 0
                                    

“Hoy, utang mo sa akin bayaran mo.” Ani Koko sabay lahad ng kamay niya sa harapan mo. Naglalakad kayo ngayon papasok ng eskwela.

“Ayoko nga.” Sagot mo sabay palo sa kamay niyang hindi natinag at nakalahad pa rin sa harapan mo.

“Ang laki na ng utang mo aba naman, y/n. Tigilan mo na pagiging buraot mo. 2021 na, magbago ka na.” Napataas naman ang kilay mo dahil sa panenermon niya.

“Babayaran kita pero sa isang kundisyon.” Nakangiti mong saad. Nangunot naman ang noo ni Koko at hindi makapaniwalang nakatingin sa ‘yo.

“Kumakapal mukha mo, ah? Ikaw na may utang ikaw oa may ganang magbigay ng kundisyon?” Oa na wika ni Koko. May pahawak pa siya sa dibdib niya na para bang gulat na gulat. Pinalo mo naman siya sa braso at tumawa.

“Oa ng reaksyon mo. Walang kundisyon, walang bayad ng utang.” Tumaas baba pa ang kilay mo.

“Anong kundisyon?” Tanong ni Koko kaya napangisi ka.

“Halikan mo muna ako.” Sagot mo. 'easy money. wala na akong utang' bulong mo sa isip mo.

Nang makita mong natigilan siya ay natawa ka at masayang naunang maglakad. Pahunihuni ka pa dahil alam mong hindi niya gagawin ang kundisyon mo.

Pero hindi ka pa gaanong nakakalayo ng biglang may humila sa kamay mo at hinila ka paharap. Pagharap mo, isang labi ang sumalubong sa labi mo. Para kang napako sa kinatatayuan mo at hindi makagalaw habang magkalapat pa rin ang labi at labi ni Koko.

“Ayan, bayaran mo na ako.” Ani Koko ng humiwalay siya. Nakangisi siya sa ‘yo habang ikaw naman ay nag iinit ang mukha dahil sa nangyari.

“Wow. Ang landi niyo naman.” Napatingin kayo sa nagsalitang si Seishu na kanina niyo pa pala kasama.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now