“Nag-away raw kayo ni Sanzu?” Tanong ng isa mong nakakatandang kapatid na si Rindo. Tumango ka at nagpatuloy sa ginagawa mo.
“Aalis ka na ngayon wala ka bang balak sabihin sa kanya?” Tanong naman ng isa mo pang kuya na si Ran.
“Wala. Bahala siya. Kasalanan din naman niya.” Mahinang sagot mo sa Kuya mo habang inaayos mo ang pag-iimpake. Nagsiksik ka lang ng ilan pang mga damit bago mo ito isara at kumuha ulit ng isa pang maleta para naman sa mga iba mo pang damit.
“Y/n, hindi tamang hindi mo siya kausapin. Aalis ka, hindi kayo magkikita. Mag-ayos muna kayo bago ka umalis.” Pakiusap ulit ni Kuya Ran mo pero dahil ka-ugali mo sila, matigas na iling ang ginawa mo.
“Don’t worry, Kuya. Natext ko na si Sanzu. Baka papunta—” Naputol ang sasabihin ni Rindo ng bigla kayong nakarinig ng malakas na kalabog mula sa pinto niyo.
Ilang sandali pa ay bumungad sa pinto ng kwarto mo ang hinihingal na si Sanzu.
“Love! Don't leave me!” Sigaw nito at agad kang linapitan. Nakiramdam naman ang mga kapatid mo at lumabas sa kwarto mo para bigyan kayo ng privacy na makapag-usap.
“Manahimik ka, Sanzu Haruchiyo.” Walang emosyon na ani mo habang patuloy pa rin sa pag-iimpake. Pinigilan niya ang mga kamay mo at iniharap ka niya sa kanya.
“Please, don't leave me. Nagmamakaawa ako, Y/n. Ikaw lang meron ako.” Puno ng hinanakit na saad ni Sanzu sayo.
Magsasalita ka na sana ng inunahan ka niya.
“I’ll be good. I promise! Magbabago ako just don't leave me!” Nagulat ka ng makita mong may nalaglag na luha mula sa kaliwang mata niya. Never in your entire relationship you saw him cried. Madalas ay ikaw ang pinapaiyak niya.
“Sanzu—”
“Hindi ko kayang wala, Y/n. Nakikiusap ako. Hindi ko kaya na wala ka. Buhay kita, e.” Mas lalo kang nagulat ng humikbi siya ng parang bata.
“Sanzu, teka la—”
“Huwag ka naman magmigrate, oh.” Mas lalong nangunot ang noo mo dahil sa sinabi niya. “Please, Y/n—”
“TEKA LANG, GAGO! ANONG MIGRATE PINAGSASABI MO?!” Sigaw mo sa kanya. Nahinto naman siya sa pagluha at tangang mapatingin sayo.
“Sabi mi Rindo, magmamigrate ka nasa Canada na you don't want to see me ever again.” Litong ani Sanzu.
Napahawak ka naman sa noo dahil biglang sumakit iyon.
“One week lang akong mawawala, Sanzu. Hindi ako magmamigrate.” Mahinahong ani mo sa kanya.
“Pero sabi ni Rin..” Kapwa kayo natahimik at nakatingin lang sa isa’t isa hanggang sa may marinig kayong tumawa ng malakas. Nilingon niyo ng sabay ang pinto at nakita niyong nakasilip ang mga kapatid mo na parehong tumatawa.
“Tangina. Takot na takot maiwan si Sanzu!” Tawang tawa na wika ng nakakatanda mong kapatid.
Sabay niyo silang tinignan ng masama.
“Sanzu, give me your gun.” Hindi ka na nagdalawang salita at agad na binigay ni Sanzu ang baril niya.
“T-Teka lang, Baby Sis. Joke lang ‘yon.” Kabadong ani Ran.
“Haha, pinagbabati lang naman namin sayo, Baby Sis.” Dagdag pa ni Rindo. Kinasa mo ang baril at tinutok sa kanila.
“Pinaiyak niyo si Sanzu. Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo na kayo.” Seryosong ani mo sa kanila. “Isa.” Bilang mo.
Walang pagdadalawang isip na tumakbo ang dalawa mong kapatid papalayo sayo.
YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Krótkie Opowiadania𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui