Rindo x Reader ! Morning

83 5 0
                                    

Nagluluto ka ng agahan niyo ng asawa mo ng maramdaman mong may yumakap sa bewang mo.

“Good morning, Ai.” Bati nito habang nakasubsob ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat mo.

“Good morning.” Bati mo pabalik nang hindi humaharap. “Upo ka na ron patapos na rin ‘to.”

Umiling siya sa sinabi mo at nanatili sa pwesto niya. Hinayaan mo naman siya at nagpatuloy sa pagluluto. Nang matapos ka at napatay mo na ang kalan bigla ka niyang hinarap sa kanya.

“Rin?” Takhang tanong mo ng makita mong titig na titig siya sayo.

“Ang ganda mo.” Aniya dahilan para mapangiti ka.

“Gwapo mo.” Balik mo sa kanya.

Inalis niya ang pagkakayakap niya sa bewang mo at kinuha ang dalawang kamay mo para iyakap sa leeg niya bago siya humawak sa magkabilang bewang mo.

Iginalaw niya ang katawan niya na para sumayaw. Tumawa ka at sumabay sa gusto ng asawa mo. Nakangiti kayo sa isa’t isa habang sumasayaw.

Yumuko siya para halikan ka sa labi.

“I love you.” Aniya.

“I love you too, Rin.” Ani mo.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now