Shinichiro x Reader ! Realization

310 3 0
                                    

Busy kang nagsusulat sa yellow pad habang nakatapat sa bintana. Ikalawang palapag ang kinalalagyan ng kwarto mo kaya mahangin hangin sa pwesto mo. Tahimik ang paligid ng may biglang bumato sa bintana mo. Maliit lang ang ibinato kaya hindi gaanong kalakasan ang naging tunog nun.

Sumilip ka sa bintana at nakita mong kumakaway kaway si Shinichiro habang nakangiti sa ‘yo. Linakihan mo ang bukas bitana mo at nakangiti ring dumungaw sa kanya.

“Gabi na ba't nandito ka pa?” Nakangiti mong tanong.

“Gusto kitang makita bago ako umuwi.” napakamot pa ito sa batok na para bang nahihiya.

“Pwede mo naman akong i-video call na lang.” Natatawang wika mo. Shin is cute specially when he's shy.

“Alam ko pero mas gusto kong personal kitang makita.” Aniya.

Kinagat mo ang laman ng pisngi mo para pigilan ang pagngiti.

“Umuwi ka na nga. Gabi na.” Utos mo.

“Ito na. Bye. I love you, Tala.” Natawa ka pa ng bigla siyang magflying kiss sa ‘yo pero namumula ng bahagya ang pisngi dahil sa tinawag niya sa ‘yo.

“I love you too.” Bigkas mo habang siya ay nakangiti at nakatayo pa rin sa ibaba.

“Y/n.” Napalingon ka sa tumapik sa balikat mo. Si Wakasa.

“Nakadungaw ka na naman?” Tanong niya.

“May nagpapapansin, e.” Natatawang sagot mo. Nangunot ang noo niya sa sinabi mo.

“Sino?”

“Si Shin. Ayun—”

Mabilis kang napahinto sa sinasabi mo at tumingin ulit sa bintana at nakita mo nawala si Shin sa kinatatayuan niya kanina lang.

And realization hits you. Shinichiro was dead, three months ago. He was killed inside his shop.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now