Kanina mo pa nililinot ang tingin mo at kanina mo pa rin napapansin ang tatlong kababaihan na kanina pa rin tingin nang tingin sa pwesto niyo ni Wakasa.
“Shi,” Pagtatawag mo ng pansin kay Wakasa na kaharapan mo at busy sa pagcecellphone.
“Hm?”
“Pansin ko lang. Kanina ka pa tinitignan nung tatlong babae sa kabilang table.” Ani mo sabay nguso sa dereksyon nila.
“Okay.” Walang pakialam na sagot ni Wakasa. Hindi rin ito nag-angat ng paningin. Napangiwi ka naman dahil dito.
“Hindi mo man lang titignan? May maganda oh.” Pangungumbinsi mo.
Napangisi ka naman mag-angat siya sayo ng tingin. Sabi na e. Kapag usapang maganda talaga magiging interesado siya e.
“Meron nga.” Aniya.
“Hindi mo naman nililingon e.” Maktol mo dahil sayo pa rin siya nakatingin. Ni hindi man lang niya ginalaw yung mata niya para tumingin doon sa mga babae.
“Bakit ako lilingon kung nasa harapan ko na yung maganda?” Inosenteng tanong nito sayo.

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Short Story𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui