Kazutora x Reader ! Babalik

77 5 0
                                    

“Maghiwalay na tayo.” Walang ka-emo-emosyon na wika mo kay Kazutora. Tinaasan ka niya ng kilay na para bang hindi siya tinatatanong ka niya kung anong dahilan ng pakikipaghiwalay mo.

“Nakakasakal ka na, Tora.” Pagod na ani mo. “Mga kaibigan ko ‘yon pero pinagseselosan mo.”

“Kung ‘yung kaibigan mo ay alam kong may gusto sayo at pinaghihiwalay tayo, talagang magseselos ako.” Ani Kazutora.

“Ikaw lang naman nag iisip n‘yan.” Tamad na ani mo sa kanya.

Dati pa man ay ayaw na niya sa best friend mong si Ryu. Lagi ka niyang pinagbabawalan na sumama sa lakad kapag kasama si Ryu kahit na marami naman kayo. Ayaw niya ring nakakasama o nakakasabay ‘yung tao.

“Lalaki ako at alam ko kung kailan may gusto sayo ‘yung tao.”

Inilingan mo siya.

”Break na tayo.” Ulit mo sa sinabi mo kanina bago tumalikod at iwan siya.

“Babalik ka rin sa akin.” Anito dahilan para muntikan ka ng mapahinto sa paglalakad. Hindi mo siya pinansin at naglakad na lang papasok.

--

May nakakalimutan ka, nakalimutan mong magkaklase lang pala kayo ni Kazutora at ngayon ay problemado kang naghahanap ng pwedeng maging partner mo sa isang reporting niyo.

“May partner ka na?” Tanong mo sa katabi.

“Oo, e.”

“Sinong wala pang partner?” Tanong ng teacher mo kaya agad kang nagtaas ng kamay.

“Y/n, partner na lang kayo ni Kazutora. Wala rin siyang partner.” Anunsyo ng guro mo.

Nangasim ang mukha mo ng makita mong ngumiti ng matamis si Kazutora sayo. Hindi siya tumayo sa pwesto niya kaya no choice ka kung hindi ang lumapit dito dahil baka maubusan kayo ng oras at wala kayong maipresintang report ngayong araw.

Sinamaan mo siya ng tingin ng makit mong matamis pa rin ang ngiti niya. Binuka nito ang bibig niya at nagsalita.

“Sabi sayo babalik at babalik ka pa rin sa akin, e. Tadhana na nagbabalik sa atin oh.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now