Keisuke x Reader ! If I don't love you anymore

166 3 0
                                        

“Tala,” Dinig mong tawag sa ‘yo ni Keisuke.

“Hm?” Himig mo habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa mo.

Nandito kayo ngayon sa rooftop ng school na pinapasukan niyo. Magkatabi kayo; ikaw nagbabasa habang siya ay pumipindot pindot sa cellphone niya.

“May sasabihin ako.”

Inilipat mo ang tingin mo sa kanya ng marinig mmo ang kaseryosohan sa boses niya. Minsan mo lang siyang marinig sa ganitong tono kaya hindi mo maiwasang kabahan.

Huli mong narinig na ganito ang tono niya noong nagselos siya  at hindi maganda ang kinalabasan nun.

“Ano?”

“Alam mo namang mapagmahal akong tao kaya nga mahal na mahal kita, 'di ba?” Seryosong tanong niya.

Tumango ka naman. “Oo,” Sagot mo. Kinakabahan ka sa susunod niyang sasabihin lalo na’t nakikita mo kung gaano kaseryoso ang mukha niya.

Napalunok ka ng makita mong bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita habang nakatitig sa ‘yo.

“Mapagmahal akong tao kaya kapag hindi na kita mahal isa lang ibig sabihin nun,” Aniya. “Hindi na ako tao.”

At ng araw na 'yon ay pumasok si Keisuke sa susunod niyang subject na may bukol sa ulo dahil hinampas mo siya ng libro na hawak mo habang sinasabi na pinakaba ka niya ng husto.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now