Wakasa x Reader ! Not Him

151 5 0
                                    

“Say, Y/n, anong nagustuhan mo kay Shin?” Nilingon si Wakasa ng bigla siyang magtanong. Pinanatili mo ang kutsara sa bibig mo habang nag-iisip.

“Mabait, maalaga, family oriented, loyal, dagdag mo pang gwapo.” Sagot mo sa kanya.

Nakita mo naman siyang tumango. Nagpatuloy ka sa pagkain ng ice cream mo. Nandito kayo ngayon sa mall ni Imaushi, naglilibot para maalis ang boredom na nararamdaman niyo.

“Ano pa?” Tanong niya ulit. You tilt your head, confused why he's asking this kind of questions.

“Siguro kasi lagi rin siyang nandyan para sa akin.” Mahinang sagot mo.

Tila may bumara sa lalamunan mo at nahirapan kang lumunok kaya binaba mo ang kutsara mo. Tumikhim ka muna bago nagpatuloy na magsalita.

“Shin’s my hero. Kapag nangangailangan ako ng tulong agad nandyan siya. He made me feel that I'm worthy. He treated me like a queen. Kulang na lang sambahin na rin niya ako.” Bahagya kang natawa dahil sa sinabi mo.

Ngumiti ka kay Imaushi. Alam mo na kung saan papunta ang usapan niyo.

“Last question. Bakit kahit wala na siya hindi mo pa rin ako matignan na kagaya ng tingin mo para sa kanya?” Tanong niya. He looked someone in pain.

Mukhang alam na rin niya ang magiging sagot mo dahil iyon ang palaging binabanggit mo kapag natatanong siya.

Seryoso mo siyang tinignan bago sumagot.

“Simple lang, kasi hindi ikaw si Shin, Wakasa.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now