Yuzuha x Reader ! Kiss

50 2 0
                                    



Hingal kang humiwalay sa kahalikan mo. Maingay ang paligid at patay sindi ang ilaw. hindi mo kilala ang kaharap mo pero kita mo ang mukha nito.

“Nice kiss.” The person infront of you said while smirking. Magsasalita ka sana ng may biglang humila sayo.

“Omg! Y/n! Kanina pa kita hinahanap.” Boses ni Hinata ang narinig mo. Malabo ang paningin mo pero alam mong nag-aalala ang mababakas sa mukha nito. Lumingon ka sa pwesto ng kaninang kahalikan mo pero wala na siya roon.

Ang naaalala mo lang sa kanya ang kulay brown na buhok nito at mata.

-

“How’s your head?” Tanong ni Mitsuya sayo.

Sumandal ka naman sa balikat niya at sumagot.

“Ayos naman.”

“Inom pa.” Natatawang anito kaya pinalo mo siya sa balikat.

Nandito kayo ngayon sa isang cafe. You're going to meet Mitsuya’s model friend. Takashi is your previous suitor na ngayon ay kaibigan mo na lang dahil alam mo sa sarili mong wala siyang mapapala sayo.

You're gay.

“Oh, that's him.”

Napatingin ka sa tinuturo nito. Isang matangkad na lalaki ang nakita mo. Hakkai Shiba, one of the famous model around the world. Ngumiti ito sa inyo kaya ngumiti ka rin pero agad din napako ang ngiti mo ng may masulyapan ka sa likod nito, isang babaeng may mahabang buhok na kulay tsokolate.

Nang makalapit sila sa pwesto niyo ay halos manlamig ka ng binalingan ka ng tingin ng babae. Hindi mo alam kung bakit pero biglang naghurumentado ang puso mo na para bang gustong kumawala nito sa rib cage niya.

“Y/n, meet Hakkai and Yuzuha. Shibas, meet Y/n, my special someone, kidding she's my friend.” Pagpapakilala ni Takashi.

Nahigit mo ang hininga mo ng ngumiti sayo si Yuzuha.

“Hi, Y/n. I'm Yuzuha, the one you kissed at the bar last night.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now