“Y/n?”
“N/n?”
“Y/N L/N EARTH TO!”
Napapitlag ako dahil sa sigaw ni Yuzuha. Nakakunot ang noong bilingan ko siya.
“Bakit ba?” Tanong ko sa kanya.
“Kanina ka pa namin tinatawag pero hindi ka sumasagot.” Aniya.
“Tapos na ‘yung pinapanood natin, Y/n. Nanalo design nina Draken.” Nagyayabang na saad ni Emma.
“Bakit ka pala parang ang lalim ng iniisip mo kanina?” Tanong naman ni Hina. Bumuntong hininga ako at umiling.
“Wala naman.” Sagot ko.
“Si Takashi iniisip nyan.” Sabad naman ni Senju.
“Senju!” Sigaw nina Emma.
Nakarinig ako ng malakas na kaltok at aray mula kay Senju kaya alam kong isa sa kanila ang sumapok sa kanya. Napangiti ako ng maliit dahil doon.
“Tigilan niyo si Senju. Tama naman siya, e.” Ani ko sa kanila.
“Miss mo?” Tanong ni Yuzuha.
“Sobra.” Sagot ko.
“Hindi man lang nagsinungaling.” Alam komg nakaismid na ngayon si Hina dahil sa tono niya.
“Wala naman sense kung magsisinungaling pa ako kung alam niyo naman ang totoo.” Ani ko.
“Ang layo na ng narating niya.” May admiration sa boses ni Yuzuha na tinanguan ko.
Sobra. Sa sobrang layo na ng narating niya alam kong hindi ko na siya maaabot.
“Thanks to Y/n. Naabot niya ‘yung pinapangarap niya.” Si Hina.
”Mali, sinira ko lahat ng pangarap niya.” Sabad ko sa sinabi ni Hina. Napatigil ako dahil sa sinabi ko. Alam ko na ang kasunod nito.
“Anong sinira?! Tangina, Y/n. Ikaw ang dahilan kung bakit nakakapagdesign pa siya. Kung wala ka hindi na niya magagawa lahat ng ‘yon!” Galit na wika ni Emma.
“Dahil sa akin hindi siya nakapasok sa school na gusto niya.” Giit ko
“Nalate lang siya Y/n pero ngayon naabot na niya. Natapos at naabot na nita pangarap niya.” Si Senju naman ang sumagot sa sinabi ko.
“Nabulag pa rin siya dahil sa akin.” Pilit ko ulit dahil iyon ang totoo.
“Tangina naman Y/n! Ngayon nakakakita na siya ngayon at dahil sayo ‘yon!” Sigaw ulit ni Hina. Halata na napipikon na siya sa akin.
“Iniwan ko pa rin siya. Iniwan ko siyang nung panahong kailangan niya ako.” Nabasag ang boses ko nang banggitin ko ang mga salitang iyon.
“Wala kang choice nung panahon na ‘yon, Y/n.” Mahinahong ani Hina.
“Sina tito ang may gusto nun kapalit ng gusto mo.” Sabad ulit ni Senju.
“Iniwan mo siya kapalit ng pagkakaroon niya ng mata, Y/n.” Si Emma naman.
Iniwan ko siya kapalit ng operasyon na ililipat ang mga mata ko sa kanya.

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Cerita Pendek𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui