Baji x Reader ! Sweet

59 3 0
                                    

HAPPY BIRTHDAY, BAJI KEISUKE!🥳❤️

“Here,” Takha kang tumingin kay Keisuke ng ilapag niya ang isang box ng chocolate at isang bouquet ng bulaklak sa lamesa mo.

“Anong meron? May nakalimutan ba akong okasyon?” Tanong mo. Wala kang maalalang okasyon. Sa 16 pa ang anniversary niyo at 8 pa lang ngayon.

“I just want to give you gifts kasi ang ganda mo.” Nakangiting sagot sayo ni Keisuke bago naglakad papunta sa upuan niya kasunod niya sina Chifuyu at Kazutora na tumatawa.

Takha ka pa ring nakatingin sa kanila pero hindi mo na sila natanong pa dahil tumunog na ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase.

Buong magkahapon na nasa eskwelahan kayo ay todo asikaso si Keisuke sayo. Binibitbit ang bag mo, binibili ka ng kung anu-ano, pinagsulat ka pa niya ng notes na hindi naman niya gawain.

“Now answer me. Anong nangyayari? May kasalanan ka ba?” Nakataas ang kilay na tanong mo kay Keisuke. Nandito kayo ngayong apat kasama sina Fuyu at Kazu sa milktea shop na rambayan niyo.

“Wala ah.” Maasim ang mukhang tanggi ni Keisuke bago ngumuso. Tumawa ng malakas ang dalawang nasa harap niyo.

“Sabihin na lang natin na natakot siya kaya ganyan siya ngayon.” Natatawang ani Kazutora. Sinamaan sila ng tingin ni Kei pero mukhang hindi magpapaawat ‘yung dalawa sa pagsasalita.

“Ganito kasi ‘yan. Gumawa siya ng dating account sa isang app pero mukha mo ginamit niya and sa isang oras lang a thousand likes and at least 50 plus chats ang nakuha nung account. Ayan natakot baka raw ipagpalit mo kasi ganon daw kadami na-attract sayo.” Tumatawang kwento naman ni Chifuyu kaya nilingon mo ang ngayon ay namunulang si Keisuke.

“Ginawa mo ‘yon?” Natatawang tanong mo. You found it amusing.

“Tinry ko lang naman. Malay ko bang uulan ng mga lalaki sa account na gagawin ko.” Busangot na anito kahit na namumula pa rin.

Tumawa ka at hinalikan siya sa pisngi at bumulong.

“Kahit maraming magkagusto sa akin, ikaw pa rin pipiliin ko so don't be afraid of me leaving you kasi hindi mangyayari ‘yon, okay?” Pag-a-assure mo sa kanya.

“I know.” Nakangiting anito.

“So, stop being sweet hindi bagay sayo.” Pang-aasar mo. Natawa ka naman ng umasim ulit mukha nito at umungot.

“Y/n.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now