Ran x Reader! Lips of an Angel 2

54 4 2
                                    


Nagpaubos ka lang ng luha at nagpakapagod mag isip bago ka kumilos. Tumayo ka at kinuha ang cellphone na nasa kama mo. Agad mong hinanap ang pangalan ng kapatid mo at tinawagan.

“Kuya,” Bati mo ng sumagot ito.

Kinagat mo ang pang ibabang labi mo ng paos ang lumabas na boses sa bibig mo.

“Y/n, umiyak ka ba?” Tanong ng kuya mo. Halata sa boses niya ang pag aalala. Umiling ka kahit hindi ka naman niya nakikita.

“Sipon lang. Anyway, pwede ba akong makitulog dyan? Ayoko muna sa bahay.” Ani mo.

Lumapit ka sa damitan mo at dumukot ng ilang damit na dadalhin mo. Wala ka munang balak na magpakita kay Ran. Nakakapagod, nakakasawa.

“Nag away ba kayo?” Tanong ulit ng Kuya mo.

“Nagsasawa na kasi ako sa pagmumukha niya kaya dyan muna ako, please?” Pagmamakaawa mo. Kung hindi siya papayag ay mapipilitan kang tumuloy muna sa hotel.

“Okay. Gusto mo ba sunduin kita?” Mula sa kabilang linya ay narinig mo kilos niya.

“Hindi na. ako na lang pupunta.” Awat mo.

Nagpaalam muna kayo sa isa’t isa bago ka ulit tumawag sa isa pang numero.

“Koko..” Banggit mo sa pangalan niya pagkasagot na pagkasagot niya.

“Hi, Y/n. What's up?” Bati niya.

“I need you to do something for me.”

Ininstruct mo lahat ng kailangan mo kay Koko. Binigyan mo siya hanggang bukas ng madaling araw na malugod naman niyang tinanggap at nangakong bukas bago sumikat ang araw nasayo na ang inutos mo. Nagpasalamat ka at nagpaalam bago mo pinatay ang tawag at umalis papunta sa condo ng kapatid mo.

Akmang magdodoor bell ka na ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang kapatid mo.

“Y/n,”

“Kuya Mikey,”

Walang alinlangang yumakap ka sa kanya at hinayaan ang sarili mong umiyak ulit. Yinakap ka niya pabalik.

“Shh, Kuya’s here,” Pag-aalo niya sayo. “Tell me what happened.” Umiling ka at umiyak lang nang umiyak hanggang sa wala ka ng maluha pa.

Nang matapos ka sa pag-iyak ay pinaupo ka niya muna at binigyan ng tubig. Tahimik lang kayo habang nakaupo. Alam mo na hinihintay ka niyang magsalita para sabihin mo sa kanya kung anong problema.

Tumingin ka kay Mikey at binuka ang bibig mo. Sa tagal ng iniyak at pag-iisip mo kanina habang nasa kwarto ka sa bahay niyo ni Ran hanggang sa makapunta ka. Isa lang tumatakkbo sa isip mo.

“I’m going to divorce Ran.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now