Pinagmamasdan ka ni Ran habang nasa loob ka ng kwarto kung saan nakahiga ang katawan mo. Kanina ka pa nakatitig dito na para bang kapag inalis mo ang tingin mo rito ay mawawala ulit.
Ilang oras na rin ang nilalagi niyo sa hospital. Lumabas lang si Ran kanina para sumagot ng tawag pero bumalik din sa pagkakaupo matapos. Hindi ka niya magawang iwan lalo na at hindi mo rin alam ang gagawin mo ngayong nahanap mo na ang katawan at puso mo.
“Isa ng kaluluwa iyong babae sa loob, ano?”
Halos mapakundag si Ran ng may biglang nagsalita sa tabi niya. Nanlalaki ang matang tumingin siya sa gilid niya. Bumungad sa kanya ang isang matanda na nakangiting nakatingin sayo.
“Nakikita niyo siya?” Takhang tanong ni Ran.
“Aba, oo naman. Mukhang hindi alam kung anong gagawin sa katawan. Kanina pa nakatitig e.” Ani ng matanda. Bahagya pa siyang sumulyap kay Ran.
Hindi na nagsalita ulit si Ran. Sa ngayon ay hindi na siya nagugulat sa nangyayari lalo na sa karanasan niya kasama ka.
“Alam mo bang may liwanag akong nakikita katabi siya?” Muling pagsasalita ng matanda.
“Ha?”
“Mukhang sinusundo na ang kasama mo.”
Mabilis kang nilingon ni Ran pero ikaw lang ang nakikita niya. Walang liwanag na kagaya ng sinasabi ng matanda. Hindi alam ni Ran kung bakit bigla siyang kinabahan noong narinig niyang sinusundo ka na. Para siyang sinuntok sa tyan at dibdib. Bigla rin bumigat ang paghinga niya.
“Hindi gaanong maliwanag ang ilaw pero nandyan lang sa tabi niya. Buhay pa ang puso niya pero kung hindi siya makakapasok sa katawan niya agad ay maaaring hindi na siya nito tanggapin.” Wika ulit ng matanda kay Ran.
Hindi pinanganak kahapon si Ran para hindi malaman kung anong ibig nitong sabihin.
“Kapag bumalik naman siya sa katawan niya at muling nakapasok, alam mo ba kung anong mangyayari?”
Umiling si Ran.
“Mabubuhay siya pero hindi niya maaalala lahat ng nangyari sa kanya noong kaluluwa pa lang siya.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Historia Corta𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui