Koko x Reader ! Changes 1

136 2 1
                                    

“Hon, look!” Napatingin si Koko sayo habang nakaturo ka naman sa isang teddy bear na kulay asul at may ribbon. May kalakihan at malambot tignan. Napailing naman ang lalaki bago ka niya hinila papalayo sa tindahan ng mga stuff toys.

“Stuff toys are just for kids, y/n. You should be more matured and act according to your age.” Koko said while eyeing you from head to toe.

Napayuko ka naman dahil sa mga tingin na binibigay niya. Napabuntong hininga si Koko na para bang problemadong problemado sa ‘yo.

“And what's with that outfit? Jumper, ponytail and a freaking eyeglasses?” Napapitlag ka ng biglang tumaas ng bahagya ang boses niya.

“S-Sorry. Komportable kasi ako sa ganitong outfit.” Mahina ang boses mo pero sapat pa rin para marinig ka ni Koko.

“Kahit na. Hindi ka man lang marunong sumabay sa uso. Paano kita ipapakilala sa mga kakilala ko?” Tanong ni Koko.

Napakagat ka sa labi mo habang nagpipigil ng luha. In your 3 years of relationship with Koko only Bonten members knows your relationship. Hindi ka madalas dalhin ni Koko sa kung saan lalo na sa mga parties kahit minsan ay pinipilit na siya ng ibang executive na dalhin ka.

Masakit ang mga salitang binitiwan niya pero tama siya. Hindi ka niya maipapakilala sa mga kakilala niya dahil mapapahiya siya. Walang wala ka sa mga babaeng nakakasama niya.

“I’m sorry pero ito ako. Ito gusto ko, Koko. Kailangan ko pa bang baguhin sarili ko? Ito ako. I can't lose myself. I can't change my personality dahil lang sa sinabi mo.” Tanong mo sabay angat ng tingin. Bumungad sa ‘yo ang malamig niyang tingin.

“Choose, y/n. You will lose yourself or you will lose me.”

Napatanga ka dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tingin ang binato mo. Bakit kailangan humantong sa ganito?

“Koko naman.” Nakikiusap ang tinig mo pero isang iling ang binigay niya.

“Choose, y/n.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now