Souya x Reader ! Library

139 4 0
                                    

“Souya,” Tawag mo sa kaharap mo.

“Hm?”

“Wala ka bang ibang gagawin?” Tanong mo habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa mo.

“Wala naman. Bakit?” Balik na tanong nito.

“Kasi kung may gagawin ka pwede mo ng gawin. Okay lang akong mag-isa rito sa library.” Saad mo bago ilipat ang pahina ng libro mo.

Naramdaman mong umayos siya ng upo.

“Wala talaga. Dito lang ako. Okay na akong kasama ka.” Aniya.

Isinara mo ang libro mo bago inangat ang tingin kay Souya. Kagaya kanina mula ng pumasok kayo ng library hanggang ngayon ay iisa lang ang ginagawa niya.

“Kanina mo pa ako tinitignan. Hindi ka ba nagsasawa?” Tanong mo na mabilis niyang inilingan.

“Hindi ka nakakasawang tignan kaya bakit ako magsasawa?”

Kinagat mo ang pang-ibababang labi mo para pigilan ang pagngiti pero pumalya 'yon sa sunod niyang sinabi.

“Masyado kang maganda para pagsawaan na panoorin.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now