Ran x Reader ! Ghost Trip 4

70 6 0
                                    

“Pft—” Pigil na pigil ang tawa mo ng tignan ka ng masama ni Ran.

Nakaupo ito sa kaliwang bahagi ng lamesa habang nakatingin sa nasa harapan nitong anim na lalaki. Sapo sapo niya ang noo niya habang nakatingin sa ‘yo ng matalim.

“Look, I'm not taking any drugs, okay?” Pagtatanggol nito sa sarili niya.

“Hindi ako naniniwala.” Iling ni Rindo sa Kuya niya. Alam mo na ang pangalan nila dahil sa pinagbibigkas ito ni Ran.

“Ilan ba binigay sa ‘yo ni Sanzu?” Tanong ni Koko.

“Wala nga. Hindi ako adik o nag aadik.” Inis na saad ni Ran.

“Kung hindi ka nag aadik bakit ka nagsasalita ng mag-isa at humahampas ka pa sa hangin?” Salita naman ni Mikey dahilan para matawa ka ng tuluyan.

Bago kayo humantong sa ganitong sitwasyon ay inasar mo si Ran dahil wala kang magawa at naabutan siya ng mga kasama niya na sinusubukan kang hampasin.

“Nag-e-exercise ako, okay? For baton purposes.” Anito bago umiwas ng tingin. Mas lalo ka naman tumawa ng malakas dahil do’n.

“What a lame excuse.” Pang aasar mo sa kanya bago pumunta sa harapan niya at binelatan siya. Isang nakakamatay na tingin ang binigay niya sa ‘yo pero ipinagsawalang bahala mo lang at tinuloy ang pang aasar.

“Try mo ulit akong saktan baka sakaling tumama ka na.” Taas baba ang kilay na suhestiyon mo.

Kinagat ni Ran ang pang-ibababang labi niya at kinuyom ang mga palad dahil sa inis na nararamdaman niya.

“Shut up!” Sigaw ni Ran sa ‘yo.

“Wala na. Natuluyan na Kuya mo, Rindo. Condolence.” Naiiling na sabi ni Takeomi at tinapik ang balikat ni Rindo na halatang problemado.

“Bakit ka nag adik, Kuya?” Nanghihinang tanong ni Rindo.

Tumawa ka pa ng malakas dahil sa sinabi nito na naudlot din dahil sa malakas na pagbukas ng pinto. Isang kulay rosas na buhok ang pumasok at dumaretso sa kinalalagyan niyo. May diamond na peklat ito sa magkabilaang labi. Naglakad ito at tumagos sa ‘yo.

“What’s up?” Bati nito sa lahat bago umupo sa tabi ni Mikey.

Pinagmasdan mo siya dahil may biglang pumasok na hindi mo alam sa alaala mo. Nanlaki ang mata mo at linapitan si Ran na ngayon ay nagtatakha ang tingin sa ‘yo. Itinuro mo sa kanya ang bagong dating.

“Isa siya sa mga taong nando’n.” Bulong mo. Hindi mo alam kung para kanino, kung para sa ‘yo o para kay Ran na halatang naguguluhan sa ‘yo. Nanlalaki ang mata mo habang nakatingin sa lalaki nagngangalang Sanzu at nanginginig na tinuturo pa rin ito.

“Isa siya sa mga taong nando’n nung namatay ako.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now