“We should break up.”
Tila nanlamig ka sa narinig mong sinabi ni Sanzu sa kabilang linya.
“A-Ano?” Mahina at nauutal na tanong mo.
“Wala ng patutunguhan ‘tong relasyon natin kaya mas maiging tapusin na natin.” Malamig na ani Sanzu.
Humigpit ang hawak mo sa cellphone at nasasaktan na tinignan ang box ng relo na ireregalo mo sana pagdating ng umaga kay Sanzu.
“It’s what you really wants?” Pinilit mong patatagin ang boses mo pero bahagya pa rin itong pumiyok.
“Yes, let me go.” Walang pag-aalinlangan na sagot niya.
Lumunok ka para maalis ang bara da lalamunan mo at tumango kahit na alam mong hindi ka naman niya nakikita.
“Okay,” humugot ka ng malalim na hininga. “I’m letting you go, Haru.” Ani mo at mabilis na pinatay ang tawag.
—
“Thanks for letting me go, Love.” Bulong ni Sanzu habang nakatingin sa patay mo ng tawag.
“Mahal mo ‘no?” May pang-aasar na tanong ni Ran. Inikutan lang siya ng mata ng isa.
“Hindi ko naman gagawin ‘to kung hindi ko siya mahal. Hindi ako ‘yung taong poprotektahan siya kung hindi ko siya mahal. Buhay konsiya at handa ako ibigay sa kanya ‘to.” Ani Sanzu habang linalagyan ng bala ang baril niya. Nandito sila ngayon sa loob ng isang van, naghahanda para sa misyon nila.
“This is the first time na nakita kitang malungkot.” Sabad ni Takeomi.
“First mo rin naman akong nakitang hindi ka nagagalit.” Walang buhay na ani Sanzu.
Hindi na niya hinayaan na may magsalita pa at tumalikod na sa kanila. Dumaretso siya sa loob ng sirang building. Kinuha niya ang cellphone niya at napangiti ng makita ang mukha mong nasa lockscreen niya.
“Mahal na mahal kita.” Pagkausap niya sa litrato mo. May dumaloy na luha sa kaliwang mata niya habang nakatitig pa rin sa mukha mo.
This mission is not just a mission. It's actually a suicide mission dahil sila mismo ang papasok sa teritoryo ng kalaban para lang matapos na ang away na namamagitan sa kanila. And he knows no one in Bonten will survive this mission dahil nakakasalalay sa kanila ang buhay ng mga konektado sa kanila.
If bonten survive, then their family and love ones will die and Sanzu will never forgive his self if you die because of him.
And that night, Sanzu died in the hands of their enemy while whispering sorry’ and i love yous for you.
YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Short Story𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui
