“Love, wake up. Oras na.”
Hindi ka gumalaw sa pagkakahiga mo at hinayaan mo si Kakucho na gisingin ka kahit na gising na ang diwa mo.
“Love, malelate ka na sa klase mo.” Anito at pinisil pisil ang pisngi mo.
Nang maramdaman niyang wala kang balak na gumising ay biglang niyang sinundot ang beywang mo dahilan para mapamulat ka at mapaupo. Nagbabanta ang mga mata mong tinignan siya pero nginisian ka lang niya.
“Love, don't!” Tili mo pero hindi ka niya tinigilan.
“Ayaw mong gumising e.” Pang aasar nito at patuloy kang kinikiliti.
“Tama na haha. Love, hahaha.” Awat mo.
Napahiga ka kakailag sa kamay niya. Kapwa kayo tawa nang tawa. Ilang minuto pa ay huminto na rin siya sa kakakiliti sayo. Pareho kayong may malaking ngiti habang nakatingin sa isa’t isa.
“Gising ka na?” Tanong nito.
Tumango ka naman. “Oo, sino ba namang hindi magigising kung ganon ang ibubungad.” Ani mo.
“Good, handa na breakfast mo.” Ani Kakucho.
Kapwa niyo hindi inaalis ang ngiti sa labi niyo maging ang titigan niyo.
“Opo babangon na kaya pwedeng paalis ng tingin mo? Kagigising ko lang.” Saad mo.
“Ang ganda mo.” Ani Kakucho habang may magaan na ngiti sa labi niya.
You also noticed that he's leaning towards you. You closed your eyes and waited for him to kiss you.
“I love you, Y/n.” He whispers as he kissed you.
Binuksan mo ang mga mata mo at ang madilim mong kwarto ang bumungad sayo. Mapait kang ngumiti at tumingin sa litratong nasa study table mo. Kinuha mo ito ang pinagmamasdan.
“Thanks for visiting me in my dreams, Love.” Bulong mo sa larawan ni Kakucho.
“Miss na miss na kita at mahal na mahal.” Dagdag mo bago yinakap ang larawan at mahinang humikbi.

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Historia Corta𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui