Ran x Reader! Lips of an Angel 3

51 3 0
                                    

“Pirma mo na lang kulang.” Linapag mo sa harap ni Ran ang folders na hawak mo.

“Y/n? Ano ‘to?” Tanong ni Ran. Umayos ka ng upo bago sumagot.

“Annulment papers. Don't worry, may pirma ko na rin ‘yan kaya hindi mo na kailangan mag alangan.” Sagot mo.

“Ayoko, hindi ako pipirma.” Matigas na ani Ran habang masama ang titig sa folder na nasa harapan niya.

“Pumirma ka na para matapos na tayo.” Bumabakas na ang inis sa boses mo.

Bakit ayaw niya pang pumirma? Dahil ba hindi niya inaasahan na uunahan ko siya? Dahil ba nasaktan ang ego niya?

Ayaw kong mag-assume na meron pang ibang dahilan sa ginagawa niya. Nakakasawang umasa at lumipad dahil masakit kapag bumagsak.

“Ayoko and we're going home, Y/n.” May paynalidad sa boses niya.

“Bakit ka ba ganyan?!” Sigaw mo.

Napahinto siya sa akmang paghawak niya sayo. Masama mo siyang tinignan. Nabali na naman ang pangako mo na hindi mo na siya iiyakan dahil nag-lalandasan na maman pababa ang mga luha mo.

“Ikaw na nga ang ginagawan ko ng pabor, e! Ako na ‘tong bibitiw, Ran, kaya pirmahan mo na ‘tong mga tanginang papel na ‘to!” Pagpapatuloy mo pa. Nakita mo ang paglabas ng kapatid mo mula sa kusina para makita kung anong nangyayari sa inyo.

Madilim ang mukha ni Mikey ng makitang may bahid ng luha ang mga mata mo.

“Y/n, please. Let's talk about it first. Let's go home, hm?” Sinubukan kang hawakan ni Ran pero tinapik mo iyon papalayo sayo.

“Pumirma ka na at bumalik ka na kay Mild because in the first nagpakasal lang na tayo because of my brother’s request, right?” Sumbat mo dahilan para manlaki ang mga mata niya.

“You heard..” You cut him off.

“I heard everything, Ran. Everything.” Mariing ani mo. Pumiyok ka pa dahil sa pagpipigil mong humagulhol.

“I can explain everything! It's my mi—” Once again you cut him off.

“Shut up! Just fucking zip your mouth! Ayoko ng makinig sayo kasi putangina ayoko ng maniwala. Masakit na, Ran.” Nanghihinang saad mo. “Tapusin na natin ‘to. Ubos na ako. Pagod na ako.”

Tinitigan ka niya bago lumipat sa folder na nakalatag sa kanya. Nanginginig ang kamay niyang kinuha niya ang ballpen na katabi ng folder bago pumirma.

Tumayo siya at handa ng lumakad ng huminto siya at tumingin sayo. Napatda ka ng makita mong may mga luha rin sa mata niya. Malungkot siyang ngumiti sayo at nagsalita.

Mas lalo kang napaiyak at nasaktan dahil sa mga  salitang binitiwan niya.

“I have my reasons, love. Pero kung ang dahilan ko ang magiging dahilan para patuloy kang masaktan, I'm willing to give you the freedom you want. Be happy.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now