Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa inyo ni Inui habang nasa kalagitnaan kayo ng byahe. Galing kayo sa isang sikat na pasyalan sa lugar niyo kasama ang iba niyong barkada pero ngayon ay dalawa na lang kayong magkasama dahil ikaw ang huli niyang ihahatid.
He's humming with the song on the radio habang ikaw naman ay pinapanood ang mga nadadaan niyo.
“Maybe our hearts will find their way,” He sang along mas malakas sa kanina. Natanaw mo na rin ang bahay niyo kaya hindi mo na lang siya pinansin.
Mabilis mong inalis ang seat belt mo ng huminto ang sasakyan sa harap ng bahay niyo.
“Salamat.” Ani mo pero bago ka pa makakababa ng sasakyan, mabilis kang pinigilan ni Inui. Nilingon mo siya at nakitang matiim siyang nakatitig sa ‘yo.
“I mean it.” Wika niya.
“Ha?” Litong tugon mo. He mean what?
“I’m hoping, Y/n.” Mas lalo kang nalito sa sinabi niya.
“Hoping for?” Tanong mo sa putol putol na sinasabi niya.
Pero mabilis ka rin natigilan dahil sa sinabi niya. Hindi mo inaasahan ang sinabi niya kaya hindi mo rin alam kung ano ang gagawin mo o kung ano ang sasabihin mo. Ang alam mo lang ay mabilis kang bumaba pagkatapos mong marinig ang sinabi niya.
“Still hoping na mahanap mo ang daan pabalik sa akin, Y/n. Naghihintay pa rin ako.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Kısa Hikaye𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui