“Tama na, Y/n!” Awat ni Shin ng akmang kukunin mo ulit ang cellphone na kinuha niya kanina sayo.
“Huwag mo akong pakialama, Shin. Ibalik mo cellphone ko.” Banas na utos mo pero masama ka lang niyang tinignan. Ginantihan mo rin siya ng sama ng tingin.
“Hindi ka na niya babalikan, Y/n, kahit na anong pilit mong pakiusap wala na!” Sigaw niya.
Hindi mo siya pinansin at pilit na hinablot ang cellphone na ngayon ay tinago niya sa likuran niya.
“Wala akong pakialam kaya akin na ‘yan!” Sigaw mo rin sa kanya pero hindi niya talaga ibinigay sayo.
“Tumigil ka na, Y/n. Sinasaktan mo lang sarili mo!” Ngayon ay alam mong galit na siya.
Nasasaktan mo siyang tinignan habang nagbabadya na ang mga luha mo para bumagsak.
“‘Yun nga ginagawa ko, e! Sinasaktan ko sarili ko, pinapaasa ko na babalik pa siya, na magkakaayos pa kami kahit alam kong hindi na mangyayari ‘yon!” Sigaw mo.
Napaupo ka at hinayaang maglabasan ang mga luha mo. Pilit mo rin pinipigilan ang hikbi mo habang nakatitig lang sayo si Shinichiro.
“Sasaktan ko sarili ko para mamanhid na ako. Akala mo ba gusto ko ‘tong sakit na nararamdaman ko?! Putangina, Shin, hindi! never kong hiniling ‘to! Ni hindi ko nga inaasahan na ganito pala kasakit ang magmahal e.” Pagpapatuloy mo.
“Y/n..”
“Kaya nakikiusap ako, Shin. Hayaan mo na ako.” Pakiusap mo. Basang basa na ang pisngi mo dahil sa luha ng bigla kang niyakap ni Shin.
Sinubukan mong umalis dahil sa gulat pero sa hinigpitan niya pa ang yakap niya sayo.
“Nasasaktan ako, Y/n. Sinasaktan mo ako habang nasasaktan ka sa kanya.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Historia Corta𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui