Ran x Reader ! Let everything go

63 2 0
                                        

“This is your favorite food. I made it!” Nakangiting linapag ni Ran ang pagkain sa harapan ko.

“Thank you."

Umupo siya sa harap ko at pinanood akong tumikim sa pagkaing hinanda niya. Tumango bilang pag-approve. Masarap at gaya pa rin ng dati ang lasa.

“Let’s talk now, Ran.” Ani ko.

Dumaretso siya ng upo at yumuko. Kumuyom din ang mga kamay niya. Alam niyang dito rin naman kami hahantong.

“Y/n... wala na ba talaga?” Mahina, puno ng sakit na tanong niya. Malungkot akong ngumiti ng mag-angat siya ng tingin at tignan ako.

“Wala na.” Umiiling na sagot ko.

“Baka meron pa. Please, kapain mo pa sa puso mo. Baka ako pa rin. Y/n, hindi ko kaya ng wala ka.” Sinubukan niya akong hawakan pero mabilis ako umiwas.

“Wala na, Ran. Naubos na talaga.” Tumayos ako at dumaretso sa mga gamit kong naka-impake na.

Muli kong tinignan ang kinauupuan niya. Nakayuko siya  at rinig ko rin ang pagtangis niya pero wala na talaga.

“Ran..” Tawag ko. Hindi siya lumingon pero alam kong nakikinig siya.

“Pinapalaya ko na lahat ng sakit pati ikaw kaya sana palayain mo na rin ako at pagmamahal mo para sa akin.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now