“I want to break up with you.” Walang emosyon na ani mo kay Chifuyu.
“Y/n? Anong break up? May ginawa ba ako? May kasalanan ba ako?” Gulong gulo na tanong ni Chifuyu sayo. Sinubukan ka niyang hawakan pero sinampal mo lang ang kamay niya.
“Wala, nagsawa lang ako. Ang boring ng relasyon natin. Walang thrill, parang mga batang naglalaro lang ng bahay bahayan.” Tamad na sagot mo sa kanya at huminga ng malalim.
“Walang thrill?” Mahinang tanong niya. Tumango ka at tumayo ng maayos. Sinuksok mo rin ang mga kamay mo sa bulsa.
“Don’t worry. Wala kang mali. Naboringan lang talaga ako sa relasyon na meron tayo. Parang tanga lang kasi.” Kinuyom mo ang kamao mong nasa bulsa mo ng makita mong kumislap ang mata niya dahil sa namuong luha.
“So, ‘yung 5 years relationship na meron tayo boring lang ‘yon para sayo?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Nanginginig na rin ang boses niya. Napalunok naman siya at pagak na natawa.
“Oo, boring lang.”
“Putangina, Y/n!” Napapitlag ka ng bigla siyang sumigaw. “Ginawa ko naman ang lahat, ha?! Ano pa bang kulang para masabi mong boring lang?! Please, huwag naman ganito. Mas mag-e-effort pa ako. Huwag mo naman akong iwan.” Umiiyak na pakiusap niya. Lumuhod siya sayo at humawak sa dalawang kamay mo pero inalis mo lang ‘yon.
“Tapos na tayo, Chifuyu. Kalimutan mo na ako. Huwag ka na rin magmakaawa. Wala na.” Wika mo. Mabilis ka ring naglakad papalayo. Pumasok ka sa isang eskinita.
Nang makita mong sapat na ang distansya mo na hindi ka na makikita ni Chifuyu; doon ay binuhos mo lahat ng luhang kanina mo pa pinipigilan.
“Sorry, Chi. Sorry.” Humihikbing bulong mo. Sumandal ka malapit na pader habang paulit ulit na himingi ng tawad kay Chifuyu.
“Nice break up. Muntik na akong maiyak.” Napakuyom ang kamao mo ng marinig mo ang boses na iyon.
Masama mong tinignan ang lalaking nasa harapan mo. Nakangisi siya sayo na para bang natutuwa siya sa nakikita niyang luhaan mong mukha.
“Hayop ka.” Bulong mo pero mukhang nakaabot sa pandinig niya dahil tumawa siya.
“Tao ako.” Natatawang anito bago lumapit sayo. “Tama ang desisyon mo. At least hindi siya masasaktan o mamamatay, ‘di ba?” Nakakalokong tanong nito sayo.
“Ano bang kasalanan ko sayo, ha, Hanma?! Bakit hindi mo na lang ako — kami hayaan!” Sigaw mo sa kanya. Basang basa na ang mukha mo dahil sa luha. Nawala ang ngisi niya at seryosong tumingin sayo.
“Like I told you before, Y/n. If I can't have you then no one will. Nakalusot lang si Chifuyu dahil kay Mikey noon. Pft, pero subukan niyong maglapit ulit na dalawa,” Yumuko siya at lumapit sa tenga mo. “Papatayin ko siya. Sa harapan mo mismo.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Historia Corta𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui