“Talaga, Koko? Kailan pa ‘to?!” Sigaw mo habang nakaharap sa kanya ang screen ng cellphone mo.
Nakabalandra roon ang video ni Koko at ng assistant niyang naghahalikan at alam mong sa opisina ni Koko iyon dahil sa picture frame mong nakasabit sa dingding.
“Hon, it's not what you think.” Aligagang ani Koko. Sinubukan ka niyang hawakan pero umiwas ka.
Masama na ang tingin mo sa kanya at ramdam mo rin ang nagbabadyang pagbagsak ng luhang kanina mo pa pinipigilan.
“It’s not what I think?” Hindi makapaniwalang tanong mo. Napasinghap ka dahil sa galit na nararamdaman mo. Init na init na rin ang mukha mo dahil sa pagpipigil ng emosyon.
“Nang tatarantado ka ba?!” Sigaw mo. Hinayaan mo ring maglaglagan ang mga luha sa mata mo.
“Hon, please, siya nag-insist na halikan ako. Hindi ko ginusto ‘yon.” Pagmamakawa ni Koko.
Malakas kang tumawa habang nasasaktan at umiiyak.
“Hindi mo ginusto pero hindi mo man lang siya tinulak para umalis sayo? Ganon ba ang hindi ginusto, Koko?” Wika mo. Umiling ka. “Ayoko na.” Dugtong mo.
“What do you mean?”
“Pagod na ako, Koko. Ilang beses na ba ‘to?” Tanong mo.
Hindi lang isang beses ginawa ni Koko ito. Ilang beses mo na siyang nahuling nakikipaghalikan sa assistant niya. Ngayon ka lang natauhan na kahit anong gawin mo, hindi ka magiging sapat sa taong hindi marunong makuntento.
“Y/n, pag-usapan naman natin ‘to, oh. Nagmamakaawa ako.” Yinakap ka niya pero mabilis mo lang iyong inalis.
“Ayoko na, Koko. Pagod na ako sa mga ginagawa mo!” Sigaw mo.
Nagulat ka naman ng bigla siyang lumuhod sa harap mo. Puno na rin ng luha ang mga mata niya but you already had enough. Tapos ka ng magpakatanga.
“Please, Y/n. Hindi ko kaya. I can't lose you.” Basag ang boses na aniya.
Umiling ka at malungkot na ngumiti.
“You already lost me when you decided to kiss her for nth time, Koko.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Krótkie Opowiadania𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui