“Uwi na tayo.” Ungot ni Keisuke habang nasalukbabang nakaharap sayo.
Nandito kayo ngayon sa library. Ikaw nagsusulat, siya naman ay nanggugulo.
“Mauna ka na nga kasi kung na iinip ka na.” Mahinahong sabi mo sa kanya. Hindi mo siya kailangan tignan para malaman mong humahaba na ang nguso niya.
“Ano ba kasi ‘yang sinusulat mo?” Tanong niya at bahagya sinilip ang ginagawa mo.
“Script.” Maikling sagot mo. Ayaw mong mawala sa focus dahil baka tamarin ka na at mapasunod ka niya sa gusto niyang umuwi na kayo.
“Para saan?” Usisa ulit ni Keisuke.
“Para sa play namin next week.” Sagot mo ulit.
“Next week pa pala. Bukas mo nalang gawin. Dali na, Y/n. Uwi na tayo.” Ungot nito ulit.
“Kailangan ko ng tapusin ‘to para mapacheck ko na bukas para kung sakaling may kailangan baguhin, adjust adjust na lang kami at hindi kami gahol sa oras.” Paliwanag mo rito.
Tumigil naman siya kakatanong sayo at hinayaan ka nang magsulat ng payapa. Sinigurado mo rin naman sa kanya na malapit ka ng matapos at makakauwi na rin kayo.
Umabot pa ng isa’t kalahating oras bago mo maayos ang sinusulat mo.
“Tapos na.” Masayang anunsyo mo at nag-unat dahil nangawit ka rin kakayuko.
Tinignan mo ang lalaking nasa harapan mo at halos matawa ka sa bumungad sayo. Nakakunot at sobrang haba ng nguso nito habang masama ang tingin sa librong binabasa niya na para bang may malaking atraso sa kanya iyon. Tinampal mo naman ang nguso niya dahilan para mapamura ito.
“Gago!” Agad mo naman tinakpan ang bibig niya.
“Hinaan mo boses mo.” Pinanlakihan mo pa siya ng mata pero nginisian ka lang nito.
“Uuwi na?” Tanong niya. Tumango ka naman at inayos ang mga gamit mo bago kayo sabay na tumayo at naglakad para umuwi na.
“Bakit ikaw pala nagsusulat ng script niyo?” Tanong ni Keisuke ng makalabas kayo ng gate ng school.
“Kasi po nag iisa lang akong writer sa section namin.” Ani mo.
“Teka, writer ka?!” Gulat niyang tanong sayo.
“Oo, hindi ko ba nasabi sayo?” Nagtatakhang saad mo. “May mga napublish na nga akong novel sa wattpad, e.” Dagdag mo pa.
“Hm.” Tumango tango naman siya. Napataas ang kilay mo ng may sumibol na ngiti sa mukha niya, dahilan para lumitaw ang cute na mga pangil nito
“Y/n, may favor ako.” Wika ni Keisuke.
“Ano?” Takhang tanong mo. Lumawak naman ang ngiti niga at sumagot.
“Sulat mo nga love story natin tapos happy ending.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Storie brevi𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui