“Shit,” Mahinang bulong mo sa tabi ko. Sinulyapan ko ito at nakitang mahigpit ang paghahakapit sa bakal sa harap namin habang nakapikit.
“Y/n,” Pagtawag ko sa ‘yo.
“Oh?” Sagot mo ng hindi bumibitaw o minumulat ang mata.
“Takot ka?” Tanong ko kahit alam ko naman na ang magiging sagot mo.
“Obvious naman siguro ano, Sanzu?” Sarcastic na sagot mo at tumingin sa akin. “Kyah!” Sigaw mo ng bahagyang gumalaw ang sinasakyan nating kahon ng ferris wheel.
Napaikot na lang ako ng mata at napailing. Mukhang alam ko na ang mangyayari kapag nag umpisa nang umikot ang ferris wheel.
At hindi nga ako nagkamali.
“Aaahhh! Ayoko ko pang mamatay!” Sigaw mo.
Ang lakas ng sigaw at pakiramdam ko ay mabibingi ako. Bumuntong hininga ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit takot na takot ka samantalang wala namang ibang ginawa ang sasakyan kundi ang umikot ikot lang.
“Tangina, ibaba niyo ako!” Sigaw mo ulit.
“Pwedeng tumahimik ka? Ang ingay mo.” Saad ko.
“Wala akong paki! Aaahh!” Sigaw mo at inugon ng bahagya ang bakal na nagsisilbing bakod natin para hindi tayo mahulog.
“Baka gusto mong tumahimik?” Tanong ko sa ‘yo.
“Paano, Sanzu? Ha? Paano?!” Sigaw mo ulit sa akin.
“Ganito.” Sagot ko at hinawakan ang ulo mo.
Ngumiti muna ako sa ‘yo bago malakas na hinampas ang ulo sa bakal na bakod na pinagkakapitan mo. Hindi pa ako nakuntento at hinampas ulit ang ulo mo ng dalawa pang beses.
“Nice.” Napangiti ako ng makitang nakapikit ka na at hindi na sumisigaw. May umaagos na ring dugo sa ulo mo na lalong nagpalaki ng ngiti ko.
“E 'di ayan, tumahimik ka.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Nouvelles𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui