Mitsuya x Reader ! Her eyes

91 5 0
                                        

"Ngayong na sa kotse na tayo. Mind to explain your self, Mitsuya Takashi?" Bungad ko pagkapasok na pagkapasok pa lang nakin sa sasakyan.

"Y/n, walang namamagitan sa amin ni Aby, please. Huwag kang gumawa ng issue." Pagod ang boses na aniya.

"Hindi ako gumagawa ng issue kung wala akong nakikitang mali." Madiin na ani ko habang masama ang tingin sa harapan.

"Hindi lahat ng nakikita mo tama, Y/n." Bwelta ni Takashi habang nasa daan ang tingin dahil nagmamaneho siya ng kotse.

"Kahit na nakita ko kung paano kayo maglandian sa party kanina?" Pikon na tanong ko at nilingon siya.

He's gritting his teeth na para bang ilang minuto na lang ay sasabog na siya galit. Ha, siya pa talaga ang may ganang magalit? Siya na nga itong mali. Tangina talaga.

"Naglalaro lang kami, Y/n, ano ba?!" Sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. In our 4 years of relationship never niya akong sinigawan, ngayon lang at dahil pa may Aby.

Nakagat din niya ang labi niya naparabang nabigla rin siya sa ginawa niya. Pagak akong natawa dahil sa nangyari.

"Wow, Takashi. Wow."

"Y-Y/n, sorry, hindi ko sadya na pagtaasan ka ng boses."

"Naglalaro?! You fvcking kissed her!"

"Aksidente 'yon, Y/n."

"Aksidente? Kaya pala nagtagal ng limang segundo? Hahaha. Tangina mo, Takashi, alam mo 'yon?!"

"Look, I'm sorry-"

"Baba na ako." Putol ko sa sinasabi niya.

"Ano?" Tanong niya.

"Ang sabi ko ihinto mo at baba ako!" Sigaw ko.

Halo-halo na ang nararamdaman ko dahil sa nangyayari. Ayoko munang makipag-usap sa kanya. Wala ring mangyayari dahil parehong mainit ang mga ulo namin.

Hindi kami maayos kung pareho kaming hindi pa handa na makipag-usap. Magsisigawan at magsisigawan lang kami and worst baka mauwi pa sa hiwalayan kapag nagtuloy tuloy.

"Y/n, ano ba? Pwedeng hintayin mo munang makauwi tayo bago ka magalit at kung anu-ano ang sasabihin? Pakinggan mo muna ako?" Pagpipilit niya pero sarado pa rin ang isip ko at ayaw makinig sa mga sinasabi niya.

"Ihihinto mo 'to o tatalon ako?" Paghahamon ko.

Nagngitngit ang panga niya at humigpit ang hawak sa manibela pero hininto rin niya ang kotse. Dali dali akong lumabas at naglakad papalayo sa kanya.

"Y/n, please. Huwag ka naman ganyan. Gabi na tara na." Awat niya habang nagkabuntot sa akin.

"Huwag mo akong sundan!"

"Please, Y/n. Mali ako, okay? Uwi na tayo." Pag aalo niya.

"Ayoko!" Sigaw ko.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko ng maramdaman kong sumusunod pa rin siya. Naglalakad ako kasabay ng mga sasakyan sa gilid ko.

"Y/n! Nakikiusap ako. Sa bahay na natin 'to pag-usapan!" Sigaw niya.

Wala sa sariling sinubukan kong tumawid para lang makalayo sa kanya. Nakakaapat palang akong hakbang ng may maliwanag akong nakita at isang nakakabinging busina ang narinig ko papunta sa kinatatayuan ko.

"Y/N!"

Isang malakas na pwersa ang bumunggo sa akin papunta sa kabilang bahagi ng daan. Wala akong masyadong naramdaman bukod sa sakit ng pagkakahagis ko. Bumangon ako ng makita kong may nakahiga sa tabi ko.

"T-Takasahi?" Nanginginig na tawag ko sa kanya. Nakaharap siya sa gater.

Para akong napatda ng makita kong may nag-uumpisang dumaloy na dugo mula sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang lagay niya. Halos manlabot ako dahil puno na ng dugo ang mukha niya.

"Takashi.. tulong.. tulungan niyo kami." Nanghihinang pakiusap ko. Hindi ko alam kung may nakakarinig ba sa mga taong ngayon ay nag-uumpisa ng palibutan kami.

"Tulungan niyo kami." Pakiusap ko ulit habang nag-uunahan na sa paglabas ang mga luha ko.

Everything was blur. Hindi ko alam kung kailan dumating ang ambulansya, kung kailan kami nakarating sa hospital, kung kailan kami naasikasi ng mga doctor at nurse, kung kailan nagdatingan ang mga kaibigan namin basta ang alam kong lang ay narinig ko ang sinabi ng doctor sa mga kaibigan namin.

"Nagkaroon siya ng head injury. The bleeding was not from his forehead like we assumed but it's actually from his eyes, I'm sorry - pero nasira na ng tuluyan ang mga mata niya at sa nakikita namin, wala ng pag-asang makakita pa siya ulit."

Nabulag si Takashi. Nabulag siya dahil sa aksidente. Nabulag siya dahil sinundan niya ako. Nabulag siya dahil hindi ko siya pinakinggan. Nabulag siya dahil sa pagiging makitid ko.

Kasalanan ko kung bakit siya nabulag.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now