Inui x Reader ! Let me go

87 4 0
                                    

“Adi! I got your favorite food!” Masayang ani Inui sabay lapag ng isang paper bag mula sa isang sikat na restaurant na naghahanda ng mga iba’t ibang luto ng seafoods.

“Sei—”

“And oh! Of course hindi ko nakalimutan ‘yung fave mong dessert, cinnamon rolls. Tada!” Seishu was beaming in happiness.

Kinagat mo ang pang ilalim mong labi habang nakatingin sa mga pagkain na nakalapag sa harapan mo. Ngumiti ka ng maliit kay Seishu.

”Thanks, Sei.” Wika mo. “But, cinnamon rolls are ate’s favorite not mine and I'm allergic to seafoods.” Dagdag mo.

Natigilan siya at para bang nanigas sa kinatatayuan niya. Kinuyom mo ang kamao mo at lumunok ng maramdaman mong may bumara sa lalamunan mo.

“I-I’m sorry. Papalitan ko na lang.” Aligagang saad ni Seishu pero pinigilan mo siya ng akmang aalis siya.

“Ni minsan ba Sei nakita mo ako bilang ako at hindi bilang si Ate?” Tanong mo.

“Y/n,”

“Sei, magkaiba kami ni Ate.” Nanginginig ang boses na ani mo. Nagsimula ng mag-init ang sulok ng mata mo at ilang sandali lang alam mong babagsak na ang luhang namuo rito.

“Adi, hindi ganon.” Akmang hahawakan ka niya ng umiwas ka. Naiwan sa ere ang kamay niya habang gulat na nakatingin sayo.

“Ni minsan hindi mo ako tinignan bilang ako, tama?” Ngayon ay malungkot ang tingin na binibigay mo sa kanya.

“Y/n, please." Pakiusap niya. Alam na niya ang kahihinatnan ng usapan niyo.

Ngumiti ka habang lumuluha at nagsalita sa kanya.

“Hindi ako si Ate, sei. Please, kung hindi mo pa siya nakakalimutan, pakawalan mo na lang ako.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now