Isang kulay itim na kisame ang bumungad sayo pagkamulat ng mata mo. Bumangon ka mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid mo. Hindi ka bago sa itsura ng mga mamahaling bagay kaya hindi ka gaanong naggulat da kinalalagyan mo.
Naglakad ka papunta sa pinto. Akmang bubuksan mo na ito ng may magbukas ng kalakasan dahilan para tumama sa mukha mo ang pintuan.
”Puta.” Daing mo.
“Shit! Y/n, okay ka lang?” Dinig mong tanong ng nagbukas ng pinto.
“Mukha ba akong okay?!” Sigaw mo rito.
Umayos ka ng tayo at pagalit na tinignan si Koko. Pag-aalala ang mababakas sa mukha nito na inikutan mo lang ng mata.
“Tabi, aalis na ako.” Ani mo at humakbang papalabas.
“Wait y/n! Hindi ka pa ayos!” Wika niya habang nakasunod sayo.
Hindi mo siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Ano bang klaseng bahay ‘to? Ilang kwarto na nadaan mo pero hindi mo pa rin nakikita ang palabas.
“Y/n, stop!” Napairap ka sa hangin dahil sa sigaw niya.
“Huwag mo akong sundan.” Asik mo sa kanya pero mukhang matigas ang mukha niya dahil mas binilisan niya pa ang hakbang niya para mahabol ka.
Unti unti ka ng napipikon kaya ginawa mo ang bagay na magaling ka, ang tumakbo. Hindi mo alam ang pasikot sikot kaya kung saan saan ka na lang lumusot.
Nang mapagod ka ay sumandal ka. Hindi ka pa nakakakuha ulit ng lakad para tumakbo ay naabutan ka na ni Koko.
“Huwag kang lalapit kung ayaw mong masuntok sa mukha.” banta mo ng aakma itong lalakad papalapit sayo.
“Look, Y/n, I'm not here to hurt you. Ikaw itong pumasok sa kotse ko. Nagmamabuting loob lang akong tulungan ka.” Mahinahong ani Koko. Pinanatili niya ang didtansya niya sayo.
“Kung gusto mo talaga akong tulungan ituro mo ang pinto papalabas.” Naghahamon na ani mo. Umiling siya sayo na kinanoot ng noo mo.
“I can't. Hindi ka pwedeng umalis, Y/n. Humabol ang mga taong tinakasan mo at kasalukuyan kang pinaghahanap. You're actually on the news right now, not as a star or a missing person but a wanted one. At mukhang walang balak na manahimik ang mga pulis hangga’t hindi ka nahuhuli.
Nanlaki ang mata mo sa sinabi niya.
“What the fvck?!”
YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Short Story𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui
