Bonten Sanzu x Reader ! Rooftop 2

157 4 0
                                    

TW // cutting yourself

“That was amazing!” Sigaw mo habang pumapalakpak.

Napailing naman ang kaharap mo si Sanzu. Kung gaano ka niya kabilis tinulak ay gano'n ka rin niya kabilis hinila pabalik. At ngayon ay tuwang tuwa ka pa sa naranasan mo.

“Tanga ka ba?” Tanong ni Sanzu.

“Hindi.” Sagot mo.

Napabuntong hininga si Sanzu dahilan para mapanguso ka. Nagtataka kung bakit parang mas problemado pa siya kesa sa ‘yo e ikaw itong tinulak niya. Wala kang kabang naramdaman bagkus ay pagkamangha pa.

“Tangina. Ikaw ata high sa atin at hindi ako.” Nakahawak pa ang lalaki sa noo niya na parang ang bigat ng dinadala.

“Iba pala feeling kapag alam mong mahuhulog ka na.” Napabungisngis ka.

Ramdam mo ang panandaliang laya. Parang slow motion ang lahat ng nangyari. Hindi mo rin alam kung bakit pero hindi kaba ang naramdaman mo kundi saya.

“Sa lahat ng muntikan ikaw lang ang masaya.” Komento ni Sanzu habang nakatitig sa ‘yo.

“Isa pa nga.” Ani mo kay Sanzu habang may malaking ngiti sa labi. Nangunot ang noo ng isa bago lumakad papaalis.

“Ciao.” Anito bago tuluyan na nawala sa paningin. Kibit balikat ka namang bumalik sa kaninang pwesto mo.


“You’re here again.”

Nilingon mo ang pinanggalingan ng boses at napangiti ng makita ang lalaking gabi gabi mong nakakasama sa rooftop, si sanzu. Pang anim na gabi niyo na itong pagkikita sa rooftop.

“What crazy thing did you do today?” Tanong niya ng makalapit sa ‘yo.

Nakangiti mo namang itinaas ang pulso mo na nababalutan ng bandage.

“I cut myself.” Proud na ani mo na para bang may dapat kang ipagmalaki sa ginawa mo.

“You are crazy.” Sanzu said while staring at your eyes. May kung anong emosyon ang nagpasilip sa mga mata niya na hindi mo alam kung ano. Ngumisi siya bago inilapit ang mukha niya sa mukha mo.

“Yet interesting.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now