Ran x Reader! Ghost trip 5

52 3 0
                                        

Sumilip sa kinatatayuan mo si Ran kaya nagthumbs up ka. Huminga muna siya ng malalim bago hinarap si Sanzu na ngayon ay binibilang ang mga pills niya sa lamesa.

“Sanzu, may tanong ako.” Umpisa ni Ran.

“Ano?” Tanong ni Sanzu. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa ginagawa.

“When you had a mission on Tagaytay, you think you killed a girl that at least on her 20s?” Tanong ni Ran. Huminto si Sanzu sa ginagawa at halatang nag-isip.

Bumaling ito kay Ran at umiling. “Wala.”

“Anong wala?”

“Wala na akong matandaan.” Anito at tumawa.

Masama mo siyang tinignan at parang gusto mo siyang batukan. Nagpadala ka sa damdamin mo at binatukan siya. Kapwa kayo nagulat ni Ran ng tumama ang kamay mo sa ulo niya at hindi tumagos.

“Putangina, sino ‘yon?!”

“What the fuck?!”

Magkasabay na sigaw nina Ran at Sanzu. Ang isa ay galit habang ang isa ay nagulat. Nahihiwagaang tumingin sayo si Ran.

“Hindi ko alam kung paano ko nagawa.” Agad mong tinaas ang dalawang kamay mo dahil hindi mo talaga alam kung paano mo nagawang patamaan si Sanzu.

“Tanungin mo ulit baka naalog utak at may naalala.” Suhestiyon mo at tabinging ngumiti. Hindi mo alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari kaya mas maiging baguhin mo na lang ang topic.

“Again, Sanzu. Wala ba kahit katiting na alaala? Pakiliktin bago ko pilipitin leeg mo.” Ani Ran. Masama siyang tinignan ni Sanzu pero parang baliwala lang iyon sa kanya.

“... I think may nakita nga ako noon. A girl in her school uniform tapos alam ko nadamay siya sa barilan noon.” Saad ni Sanzu. Nakatinginan kayo ulit ni Ran. Tinignan mo ang suot mo, it's a school uniform.

“Tanungin mo kung alam niya kung saan napunta ‘yung katawan ko.” Pilit mo pa kay Ran.

“Alam mo saan dinala ‘yung katawan?” Tanong ulit ni Ran but Sanzu shrugged his shoulder.

“Maybe sa hospital since I heard that the girl was still breathing.” Walang pakialam na sagot ni Sanzu bago balingan ng tingin si Ran. “Bakit mo natanong?”

“Wala at wala kang pakialam.” Sagot ni Ran. Pinakyuhan siya ni Sanzu.

Naglakad papalabas si Ran sa mansion nila kaya sumunod ka sa kanya. Napunta kayo sa isang garden na mas marami pa ang mga puno kaysa sa mga maliit na halaman at bulaklak.

“You already have information about your heart maybe you can stop bugging me now?” Sarkastikong ani Ran sayo.

“Hindi pa! Samahan mo akong hanapin katawan ko!” Sigaw mo habang nakabusangot.

“Abuso ka. Ano ako katulong mo?” Pikon na tanong sayo ni Ran. “Kaya mo na ‘yan. Malaki ka na.” Dagdag pa nito.

Mas lalong nalukot ang mukha mo dahil sa sinabi niya. Hindi mo kasi alam kung paano mo sisimulan ang paghahanap kung hindi mo man lang maalala kung sino ka bukod sa pangalan mo. Hindi mo rin alam kung anong itsura mo.

Siya lang ang bukod tanging nakakakita sayo kaya siya lang din ang alam kong makakatulong sayo. Mas mapapadali ang paghahanap niyo kung dalawa kayong maghahanap.

“Tulungan mo na lang akong mahanap katawan at puso ko tapos titigilan na kita. Promise.” Pagmamakaawa mo. Tinignan ka muna niya ng maigi bago bumuntong hininga at tumango.

“Last, Y/n. This is the last time na tutulungan kita.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now