"Ran-" Nahinto ang pagbabalak mo sa pagtawag sa kanya ng marinig mong may katawagan siya.
Mabilis kang pumwesto sa pader gilid para hindi ka niya makita. Pinili mong manatili para makinig ng banggitin niya ang pangalan mo.
"I'm in the bedroom dahil baka mamaya marinig tayo ni Y/n mahirap na. I missed you too, Mild. I do really wish na ikaw sana ang kasama ko ngayon." Ani Ran.
Para kang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig mo. Mabilis ang kabog ng dibdib mo. Hinawakan mo ang kanang kamay mo ng maramdaman mong nanginginig ito.
"Alam mo naman na kinasal lang kami because of Mikey's request. I don't even want to be married in the first place." Dinig mong sabi pa ni Ran.
Nanlalambot na ang paa mo kaya napasandal ka za pader. Mabilis ding umiinit ang sulok ng mga mata mo dahil sa mga luhang nagbabadyang maglaglagan.
"I.. don't love her." Mahina pero dinig mong sabi ulit ni Ran dahilan para sunod sunod ng mag-unahang maglaglagan ang mga patak ng luha sa mata mo.
"Pupunta ako sa condo mo. Wait for me." Dagdag pa niya.
Mabilis mong tinakpan ang bibig mo ng may hikbing kumawala rito. Mabilis kang pumasok sa kwarto mong katabi lang ng kanya ng marinig mong bumangon siya mula sa kama niya. Mabilis ang kilos na nilock mo ang pintuan para hindi siya makapasok.
Napapitlag ka ng maarinig mong kumatok siya.
"Y/n?" Tawag niya. Lumunok ka para maalis ang bara sa lalamuna mo bago sumagot.
"Yes?" Kinagat mo ang pang ibabang labi mo ng pumiyok ang boses mo.
"Aalis ako. Mikey needs me. Hindi rin ako makakabalik ng gabi so don't wait for me." Saad ni Ran.
Nagpadausdos ka sa likod ng pinto habang basang basa ang pisngi mo sa mga luhang nagbabagsakan.
"Okay. Take care!" Pilit mong pagpapasigla sa boses mo.
Narinig mo naman ang yabag niya papalayo at iyon ang hudyat mo para pakawalan ang mga hikbing kanina mo pa pinipigilan.

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Short Story𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui