“My gad, y/n!” Napapitlag ako ng biglang hampasin ni Takashi ang lamesa niya.
“S-Sorry na, Takashi.” Halos maiyak sa kabang nararamdaman mo. Alam na alam mong galit na galit ang kaibigan mo dahil masama na ang tingin nito sa ‘yo.
“Yumayabong na halaman sa baga mo.” Deretsahang anito.
Napakagat ka sa labi mo habang nagpipigil ng luha. Hindi ka talaga sanay na seryoso si Takashi pagdating sa ‘yo. Dalawang beses mo palang siyang nakitang seryoso, una noong nalaman niyang kayo na ni Rindou at pangalawa noong kinausap niya rin si Rindou tungkol sa relasyon niyong dalawa.
“Take the operation. Ako magseset kung kailan. Pagkatapos na pagkatapos ng operasyon iiwan mo si Rindou, y/n.” Mariing utos nito. Mabilis kang umiling.
“No. I can't leave Rindou. Hindi ko kaya, Takashi.” Hinawakan mo ang kamay ni Takashi pero inilingan ka lang niya.
“That’s final, y/n. Sa bagay na 'to ako ang masusunod sa atin kung ayaw mong makarating 'to kina tito.”
“No, please. Iiwan ko rin siya pero hindi pa ngayon.” Pagmamakaawa mo habang puno ng luha ang mga mata mo.
“Kung hindi mo siya iiwan ngayon, kailan?” Naghahamon ang boses ni Takashi.
Nanginig ang labi mo. Tila may bumara sa lalamunan mo na pumipigil sa ‘yo para magsalita.
“Kapag—”
“Kapag patay ka na?” Pagpuputol ni Takashi sa sasabihin mo.
Hindi ka kumibo kaya lumabas siya sa opisina niya. Mabilis mo rin naman siyang sinundan pero agad ding napahinto sa paghakbang dahil pagbukas mo ng pintuan ay siya ring pagbukas ng pintuan ng nasa harapan mo.
It was Rindou with your secretary. Nakahawak sa balikat ni Rindou ang babae na agad ding inalis ng isa. Napatingin ka sa pinagmulan nila. OB-Gyne.
“Y/n..” Anas ni Rindou na halatang gulat na gulat na makita ka. Napakurap kurap ka at nanginginig na ngumiti. Napaatras ka ng sinubukan kang lapitan ni Rindou.
“Y/n, let me explain first.” Umiling ka kay Rindou bago humakbang ulit paatras. Bago ka makalayo isang salita lang ang lumabas sa bibig mo.
“Congrats.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Short Story𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui