“Walang hiya ka, Chifuyu! Kapag talaga hindi natin nahanap si Third, isasabit kita.” Gigil na ani mo kay Chifuyu habang siya naman ay napapakamot lang ng batok.
Bumili ka ng ice cream kaya si Chifuyu ang pinabantayan mo kay Third ang alaga mong pusa. Pero dahil sa hindi mo alam na dahilan nawala ang paningin niya sa pusa na ngayon nga ay nawawala.
“Sorry na, y/n.” Ngumuso pa siya pero isang irap lang ang binigay mo. Tsaka mo na siya papatawarin kapag nahanap niyo na si Third.
“Meow.”
Sabay kayong napalingon ng may marining kayong iyak ng pusa. Sa isang puno ay nakita niyo si Third na tila takot na takot. Hindi gaanong kataasan ang sangang kinalalagyan nito pero dahil bata palang ito, hindi ito sanay sa mga gano'ng senaryo.
“Third!” Sigaw mo at agad na lumapit sa puno.
Balak mo sanang akyatin ang puno ng pigilan ka ni Chifuyu.
“Ako na.” Aniya. Hinayaan mo naman siya at nagbantay na lang sa mangyayari.
“Mag iingat ka.” Paalala mo kay Chifuyu ng lumipat ito sa mas manipis na sanga para mapuntahan si Third.
“Gotcha!” Napapalakpak ka ng makuha nito ang pusa mo pero agad ding kinabahan ng biglang lumakas ang hangin.
“Third!” Sigaw mo ng biglang nawalan ng balanse si Chifuyu at mahulog sa puno. Mabilis mo silang nilapitan at binuhat ang pusa mo.
“Nasaktan ka ba, baby? Hm? Saan ang masakit kiss ko?” Tanong mo sa pusa at hinalikan ang pisngi at noo nito. Busy ka kay Third ng lumapit si Chifuyu sayo at nilapit ang pisngi niya sa mukha mo.
“Masakit ang pisngi ko baka gusto mo rin i-kiss?”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Conto𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui